Tom Rodriguez at Carla Abellana hiwalay na nga ba talaga?

HOW TRUE na hiwalay na raw diumano sina Tom Rodriguez at Carla Abellana just three months after they tied the knot?

Ito ang nakakagulat na balitang pinag-uusapan ngayon sa social media. Parang kailan lang nang mapanood natin ang mga vlogs ni Carla kung saan ibinahagi niya ang kanilang engagement, wedding preparations and bonding times as a couple.

Tom Rodriguez and Carla Abellana

Marami ang nakapansin na diumano’y in-unfollow ng mag-asawa ang isa’t isa (as of writing ay finofollow na nila ulit ang isa’t isa). Lalo pang lumakas ang tsika ng mga Marites nang magpost si Tom ng isang cryptic post na pertaining to leaving. Ito ba ay senyales na iiwanan niya o iniwan siya ng kanyang maybahay?

Marami din ang nakapansin na tila matagal-tagal nang walang post si Carla tungkol sa asawa.

As expected, samu’t saring tsika na naman ang lumalabas. Diumano, the husband has a lover? Totoo ba na taga-showbiz din ito?

Hangga’t hindi nagsasalita ang isa sa kanila ay hindi natin malalaman ang buong katotohanan. Nakakapanghinayang naman kung mauuwi talaga sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa, na unang nagkakilala sa set ng epic LGBT-themed series na ‘My Husband’s Lover’.

Ngayon na sinusundan na nila muli ang isa’t isa sa Instagram, sana ay senyales na ito na inaayos na nila kung anuman ang kanilang pinagdaraanan. Keep strong, TomCar!

Previous articleThings You Didn’t Know About Zaijian Jaranilla
Next articleVLOG WATCH: Quarantine Bonding nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel para sa ‘The End of Us’