Yen Durano aprubado ng amang si Deejay ang pagpapaseksi

Leo Bukas

HINDI ISYU sa dating aktor na si DJ Durano kung nagpapaseksi man sa Vivamax movies ang anak niyang si Yen Durano.

Ito mismo ang inamin ni Yen sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang Tag-init kung saan introducing ang dalaga.

Ano ba ang istorya ng Tag-init?

Yen Durano

Sa isang summer getaway na dapat katuwaan lang, isang binata ang makakaranas ng mga bagay na hinding-hindi niya na malilimutan.

Mula sa direksyon ni Joey Reyes, ang pelikulang “Tag-init” ay iikot kay Martin (Clifford Pusing), edad 17.

Pinilit lamang siyang sumama sa kanyang kuya na si Chino (Ali Asistio) na mag-beach outing kasama sina Paolo (Aerol Carmelo) at ang girlfriend nitong si Nadine (Yen Durano).

Dahil feeling out of place, magso-solo si Martin at mapapadpad sa isang beach house kung saan nakatira si Adele (Franki Russell), isang dalagang may magandang mukha pero may malungkot na kwento.

Si Robbie (Marc Acueza), isang pamilyadong anak ng pulitiko, ay karelasyon ni Adele at gusto na sana niyang kumawala dito pero hindi niya magawa. Sa maiksing panahon na iyon, mahuhulog ang loob ni Martin kay Adele. Tuluyan nang magiging lalaki ang binatang si Martin.

Yen Durano

Bukod sa nakakapukaw na kwento, ipakikita rin ng “Tag-init” ang naggagandahang katawan ng mga aktor. Abangan kung mapapakita ba ni Clifford Pusing ang husay niya bilang swimmer. Pamatay naman ang mga abs nina Aerol Carmelo at Ali Asistio. Hindi naman kaila na si Franki Russell ay isang beach babe at humanda nang mag-init sa sexy body ni Yen Durano.

Mapapanood ang “Tag-init” sa Vivamax simula January 20, 2023.

Previous articleAngeli Khang palaban at walang inuurungan sa ‘Bela Luna’