Angeli Khang palaban at walang inuurungan sa ‘Bela Luna’

Leo Bukas

MULING napapanood si Angeli Khang sa kanyang natatanging pagganap sa kwento ng dalawang babaeng palaban at walang inuurungan sa pinakabago niyang sexy drama sa Vivamax Original Movie na Bela Luna mula sa direksyon ni Mcarthur Alejandre at malikhaing pag-iisip ni Ricky Lee.

Angeli Khang in ‘Bela Luna’

Isang pelikula na magpapakilala sa atin sa dalawang magkaibang babaeng malaki ang koneksyon sa isa’t isa. Kilalanin si Luna (Angeli Khang), teacher na nasa edad 20s na pinagmamalupitan ng asawang halos doble sa edad niya, si Abe (Julio Diaz). Dahil madalas maltratuhin at pagsamantalahan ni Abe, hindi na makapaghintay si Luna na iwan ang kanyang asawa. Magkakaroon siya ng panandaliang pagtakas sa pagdating ni Diego (Mark Anthony Fernandez), isang lalaking bibihag kay Luna.

Pero sa maikling sandal nila ni Diego, magkakapalagayan sila ng loob na mauuwi sa mainit na pagtatalik. Binigyan niya si Luna ng bagong dahilan para masabik sa pag-ibig. Si Diego na nga kaya ang magiging dahilan para tuluyang makalaya si Luna kay Abe?

Si Bela naman ay isang empowered city girl na ka-live in ang kanyang boyfriend na si Arnold (Kiko Estrada). Silang dalawa ay may binububuong special project na hindi nila alam na unti-unting titibag sa kanilang relasyon.

Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ang kanilang buhay.

Ang Bela Luna ang pinakabagong collaboration ng 2022 Wallachia International Film Festival Best Director MacArthur C. Alejandre, National Artist for Film and Broadcast Arts at ng Reyna ng Vivamax.

Produced by Viva Films, alamin ang kwento ng buhay nina Bela at Luna sa pagdating nila sa Vivamax. Mapapanood na ang BELA LUNA, simula ngayong January 27, 2023.

Previous articleNadine Lustre may sikreto sa pagiging best actress
Next articleYen Durano aprubado ng amang si Deejay ang pagpapaseksi