VLOG WATCH: Quarantine Bonding nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel para sa ‘The End of Us’

Vlog Watch

BIHIRA ang pagkakataon na mapapagsama ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa isang acting project. Dahil sa rare opportunity na mapanood ang real-life sweethearts sa isang TV project ay marami ang mag-abang sa mini series na ‘Stories From The Heart: The End of Us‘ na naging regalo ng Kapuso Network sa kanilang viewers sa hapon.

Ang ‘The End of Us’ ay kuwento ng mag-asawa na dumaraan sa madugong proseso ng annulment. In real life ay very happy sina Zoren at Carmina sa kanilang married life. Since they’re together, sa iisang kuwarto na rin sila nag-quarantine bago sumalang sa taping!

Kahit tapos na ang ‘The End of Us’ ay tuloy-tuloy lang ang pagbibigay ng kilig ng mag-asawa. Marami sa nakapanood ng mini series ang nagsabi na mala-koreanovela ang kanilang proyekto at talagang tinutukan ng mga Kapuso.

If you want more practical kilig, panoorin natin sina Mr. and Mrs. Legaspi sa kanilang hotel quarantine with script reading and bonding session! Pak!

Previous articleTom Rodriguez at Carla Abellana hiwalay na nga ba talaga?
Next articleAndi Eigenmann ibinahagi ang kanyang weight loss journey