Lakas nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa takilya, masusubukan sa ‘The Cheating Game’

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay magtatambal na sa big screen ang rumored couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa ‘The Cheating Game‘ na mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong July 26.

Rayver Cruz and Julie Anne San Jose for ‘The Cheating Game’

Madalas na kinakiligan ng kanilang mga fans ang natural chemistry ng dalawa tuwing magtatanghal sa All-Out Sundays at sa samu’t saring concerts. Kahit sa social media ay minahal sila ng mga tagasubaybay.

Ang ‘The Cheating Game’ ang first film venture ng GMA News and Public Affairs. Kuwento ito ng isang babae na nagngangalang Hope (Julie Anne San Jose), isang idealistic na working professional na loyal sa kanyang fiance na katuwang niya sa paglunsad ng isang non-governmental organization (NGO). Ang inaakala niyang perfect man ay isa pa lang manloloko. Dahil sa isang scandalous video ay mawawasak ang mundo ni Hope.

Dahil dito, wawakasan ni Hope ang kanilang engagement, bibitawan ang NGO at ang lahat ng kanyang nakasanayan. Magtatrabaho ito sa isang content house, na hindi niya alan na isa palang troll factory. Dahil na rin sa mga naranasan niya sa kanyang ex ay gagawa ito ng ‘Anatomy of a Cheater’ cheat sheet at magsisilbing gabay niya sa mundo ng dating.

Dito niya makikila si Miguel, isang businessman na tila isang working green flag. Habang tumatagal ay lalo itong natutuwa sa binata. Kalaunan ay may mga sikreto na mabubunyag. Will it make or break their romance?

Kasama rin sa pelikula sina Martin Del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Ramos, Thea Tolentino at Paolo Contis.

Ang ‘The Cheating Game’ ay mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong July 29. Ito ay mula sa panulat ay direksyon ni Rod Marmol.

Maraming loyal followers ang JulieVer. Magtranslate kaya ito sa box-office? ‘Yan ang ating abangan!

Previous articleCristine Reyes hindi in-expect na tatagal ng 20 taon sa showbiz

No posts to display