Misyon ni Ms. Susan Roces itutuloy ng sikat na Kapamilya actor

Leo Bukas

BASE SA nakalap naming impormasyon ay hindi basta na lang mapuputol ang koneksyon ng premyadong aktor sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.  Ang latest kasi, kung ano na raw ang nasimulan ng beteranang aktres ay itutuloy lang ng aktor na ito.

As we write this, mukhang maganda ang pasok ng taong 2023 para sa premyadong aktor na ito. Pagkatapos ng kanyang super successful na mga teleserye ay isa na namang blessing ang kanyang natanggap bilang bagong mukha ng isang brand ng napakaraming produkto na tatak ang kalidad lalo na sa masang Pilipino.

Ayon pa sa aming source,  pumirma na ng kontrata kamakailan lang ang aktor bilang bagong endorser ng RiteMed na dating inendorso ng Queen of Philippine Movies.

Pumanaw noong Mayo ng nakaraang taon ang respetadong aktres na ikinagulat at ikinalungkot ng napakarami nyang tagahanga at mga kasamahan sa entertainment industry. Tunay na walang makakapalit sa trono ni Ms. Susan Roces kaya naman marami ang nagtanong at nag-isip kung sino ang hahalili sa kanya bilang ambassador ng sikat na  brand.

May balita rin kami na talagang  sumailalim sa masusing pagpaplano at pag-aaral ang kumpanya ng RiteMed kung sino ang karapat-dapat na kuning ambassador dahil hindi basta-basta ang magiging responsibilidad nito dahil siya ang kumakatawan sa gusto ng mga Pilipino na abot-kayang lunas sa kanilang mga sakit at pagkakaroon ng mabuting kalusugan.

Ang nasabing aktor ay hands-down choice umano upang magtuloy ng misyon ni Ms. Susan.

“Nasa kanya ang mga katangian na hinahanap namin. Nauunawaan nIya ang pangangailangan ng mga tao at siya yung tinitingala ng karamihan sa pagsusulong ng kung ano ang tama,” ayon sa isang executive ng RiteMed.

Kapana-panabik ang mga kaganapan ngayon sa buhay ng aktor na ito. Abangan natin ang pormal na pagpapakilala sa tinaguriang “The Rite One.”

Previous articleProducer iginiit na mabenta ang tiket sa anniversary concert ni Toni Gonzaga
Next articleNadine Lustre may sikreto sa pagiging best actress