STUDY FIRST: AJ Raval tinanggihan ang Scorpio Nights 3

LILIMITAHAN na ng reigning Vivamax Queen na si AJ Raval ang pagpapaseksi dahil iba na ang kanyang priorities ngayon.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit ang upcoming Vivamax film na ‘Kaliwaan‘ na muna ang huling sexy film na mapapanood natin na pagbibidahan ang aktres habang ongoing pa rin ang sexy-thriller series na ‘Iskandalo‘ na ngayon ay nasa second episode pa lamang.

AJ Raval

Bago pa man ipinalabas ang launching movie ni AJ na Paglaki Ko Gusto ko Maging PS early 2021 ay nakalinya na ang pagbibida niya sana sa remake ng erotic film ni Peque Gallaga na Scorpio Nights.

The latest news ay tinanggihan ni AJ ang proyektong ito na dapat sana’y si Lawrence Fajardo (Nerisa, Mahjong Nights) ang magdidirek. Ang baguhang sexy actress na si Christine Bermas ang napiling humalili sa kanya.

“Grateful ako na ‘Scorpio Nights’ was offered to me. Pero malungkot ako because I had to sacrifice ‘Scorpio Nights’ as one of the projects I cannot make. I will not lie, but my plan is to stop accepting sexy projects for the meantime, while I am in school.

“I have to lessen sexy projects. I want to do action, instead. Napag-usapan na namin ng manager ko at ng Viva. No problem ang sexy roles for me. I can still do that anytime. Pero gusto kong mag-action talaga.”

Bago ito mag-lie low sa pagpapaseksi ay mapapanood muna siya sa upcoming thriller film na ‘Kaliwaan’ with Mark Anthony Fernandez, Vince Rillon at Denise Esteban.

Nilinaw naman ni AJ na hindi niya lilisanin ang pagpapaseksi sa pelikula.

“Ang pagpapa-sexy, na-enjoy ko siya,” Raval said. “Natutuwa ako na na-appreciate ng mga tao na tinatawag pa akong ‘Pantasya ng Bayan.’

“Hindi ko na bibitawan ang pagpapa-sexy. Pero gusto kong gumawa ng meaningful projects kahit na sexy. Sa twist ng story, dapat may katuturan. Dapat may end goal ang story, ang script.

AJ RAVAL

“Hindi ko bibitawan ang pagpapa-sexy. Masaya ako doon. At doon ako nakilala ng tao.”

“’Yung pag-aaral, lumilipas ang panahon. Habang bata pa ako at habang may chance pa na ituloy ko ang pag-aaral ko, gagawin ko na.

“Gusto ko naman at gusto din ng parents at family ko ang gagawin ko. So itutuloy ko ang pag-aaral. Pero kung hindi naman para sa akin ang pag-aaral, malalaman ko din eventually. Babalik ako sa showbiz na full-time.

“Hindi naman ako talagang mawawala. Kung kaya ko namang pagsabayin, bawas-bawas lang ng work.”

Para sa amin ay okay na rin ang desisyon ni AJ na unahin muna ang pag-aaral. Tutal, nakagawa na siya ng marka bilang Reyna ng Vivamax at mabibigyan din ng tsansa ang iba pang nangangarap magpaseksi na magpakitang-gilas. Goodluck AJ!

Previous articleThings You Didn’t Know About Kim Sejeong
Next articleJake Cuenca at Kylie Verzosa, hiwalay na?