Jake Cuenca at Kylie Verzosa, hiwalay na?

USAP-USAPAN ngayon sa showbiz na diumano’y hiwalay na ang hot couple na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa.

Kung noon ay nasanay ang kanilang mga followers sa mga hot and sweet photos nila sa social media, napansin ng mga tagahanga na ilang buwan na rin hindi present sa kani-kanilang updates ang isa’t isa. May ilan na nag-assume na baka busy lang ang dalawa sa kanilang individual projects na required ang lock-in taping.

Kylie Verzosa with boyfriend Jake Cuenca

Napapanood pa rin sa Kapamilya channels si Jake Cuenca sa ‘Viral Scandal’ at ngayo’y ginagawa ang Viu Originals project na ‘K Love’ habang si Kylie Verzosa naman ay katatapos lang ng Vivamax project na ‘Under the Velvet Sky’.

Napapanood ngayon ng madlang pipol si Kylie Verzosa sa It’s Showtime. Noong April 17 ay nagpost ito sa Twitter ng ‘Broken.’. Lalo tuloy lumakas ang haka-haka ng mga tao na naghiwalay na sila ni Jake.

Hindi rin napigilan ni Kylie na maiyak noong April 19 nang ikuwento ng isang contestant tungkol sa kanyang iniibig.

“May pinagdadaanan ka bang challenge o may nakikita kang signs?” tanong ni Vice Ganda kay Kylie.

Dahil sa tanong ni Vice ay hindi napigilan ng former beauty queen na maging emosyonal at humingi ng sorry countless times. Siya ay agad naman na kinomfort ng mga hosts ng programa at ng mga kapwa hurado na sina Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno.

“Pero ‘wag naman nating isiping may pinagdadaanan, baka may naisip lang siya na ano. Minsan ‘di ba kahit hindi tayo, naa-affect tayo,” sambit pa ni Vice.

On Jake’s part ay nagpost ito ng ilang Instagram stories na ina-assume ng mga Maritess na related sa situation nila ni Kylie.

Kylie Verzosa and Jake Cuenca

“I wish I could wipe away your tears.”

“Whatever someone you become, wherever you are in the world…I’m sending you love.”

“I will try to fix you.”

Nagkadebelopan ang dalawa sa set ng Precious Hearts Romances presents Los Bastardos. Mahigit dalawang taon na rin magkarelasyon ang dalawa.

Hanggang ngayon ay wala pa rin linaw kung ito ba’y simpleng misunderstanding lang, cool off o tuluyang hiwalay na. Let us give Jake and Kylie some space and time to heal…

Previous articleSTUDY FIRST: AJ Raval tinanggihan ang Scorpio Nights 3
Next articleVLOG WATCH: Carlo Aquino, sinungitan si Maris Racal?