KC Concepcion pinalitan si Toni Gonzaga sa upcoming Hollywood film na ‘Asian Persuasion’

PAPALITAN na ni KC Concepcion ang controversial actress na si Toni Gonzaga sa upcoming Hollywood film na ‘Asian Persuasion‘.

Ayon sa Variety, hindi na matutuloy si Toni Gonzaga dahil conflict na ito sa kanyang schedule, kaya naman si KC Concepcion na ang napili na magbibida kapareha ni Dante Basco, isang Fil-Am actor na nakagawa na rin ng marami-raming pelikula sa Hollywood.

KC Concepcion and Toni Gonzaga

Naging mainit ang pangalan ni Toni Gonzaga nang ihayag nito ang kanyang political stand. Kasunod nito ay ang pagbitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother.

Noong April 13 ay masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang pagkakasali sa international project na ito. “Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew.” post nito.

Sa kanyang kaarawan naman noong April 7 ay nagpahiwatig na si KC Concepcion na siya ay nasa New York para sa isang acting project at nagsabing “another dream come true.”

Ang Asian Persuasion ay kuwento ng isang chef na gumagawa ng paraan to marry off his ex-wife para makaiwas siya sa substantial alimony obligations. Pero habang ginagawa niya ang kanyang plano ay lalo niyang napagtanto na gusto niya ng second chance sa kanyang ex. Ito ay Directed at produced ng Filipino Tony Award-winning producer Jhett Tolentino.

Maliban kina KC Concepcion at Dante Basco ay pasok din sa cast sina Aple.de.Ap, Yam Concepcion, Tony Labrusca, Rachel Alejandro, Rex Navarette, Paolo Montalban, and other Asian talents like Kevin Kreider, Scarlett Sher, Celia Au, Geneva Carr, and newcomer Jax Bacani.

Previous articleTop 5 Nam Joo Hyuk KDramas to Watch
Next articleThings You Didn’t Know About Kim Tae-Ri