Jennica Garcia at Alwyn Uytingco posibleng magkabalikan

Leo Bukas

NAG-USAP na ulit ang dating mag-asawa na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Ito ang inamin ng aktres sa isang virtual media conference. Ginawa raw niya ito para ayusin daw ang relasyon nila ng kanyang dating asawa.

“Alwyn and I are working on our marriage,” pag-amin ni Jennica sa press. “We are looking to the Lord for a breakthrough,” dagdag pa niya.

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia with their kids

Hindi naman nagbigay ng detalye kung ano ang kanilang mga napag-usapan para ayusin ang kanilang marriage.

Aniya,  “Kinakabahan kasi kami pag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan. As much as I’d like to say that I don’t really care what other people say, I think, in my entire life ito yung moment sa buhay ko na I’m not really at my best mental state.

“Kaya po I try to keep my answer short.  Pasensya na po kayo.”

Noong Marso ng taong ito (2021) nang lumabas ang balitang hiwalay na sina Jennica at Alwyn pagkatapos ng halos pitong taon nilang pagsasama.

Samantala, kontrabida ang role ni Jennica sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Las Hermanas.

“Ito yung pinakaunang kontrabida role na nabigay sa akin. Hindi ko alam… I was really hoping to get one before when I was actively doing works for GMA,” tsika ng aktres.

Jennica Garcia

“Masayang-masaya ako na tanggapin yung role but I have to be honest na nahirapan po ako talaga. Maliban sa ang tagal ko na pong tumigil. May seven years na po akong tumigil, nahirapan ako kasi bago siya sa akin.

“Dito ko nalaman na napakahirap palang maging isang kontrabida kumpara sa role na api ka o ikaw yung underdog. Kasi mabigat yung emotions na kailangang dalhin and, at the same time, yung role po kasi ni Brenda is different from my real personality,” pahayag pa ng aktres.

Kasama ni Jennica sa Las Hermanas sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith Da Silva. Mapapanood ito simula  October 25 sa GMA Afternoon Prime.

Previous articlePIOLO PASCUAL JOINS TV5’s “NIÑA NIÑO’’
Next article34th Star Awards for TV Full List of Winners