Christine Bermas ginagawa ang lahat para sa pamilya

Leo Bukas

HINDI ikinahihiya ng Viva sexy star na si Christine Bermas na nagtrabaho siya noon sa kanilang lugar sa Palawan bilang isang kasambahay. Ginawa raw niya ito para matulungan ang kanyang pamilya na sobrang hirap sa buhay.

“Kapag hirap kayo sa buhay gagawa ka talaga ng paraan para makaraos. Mga 14 or 15 ako nung pumasok akong kasambahay sa amin sa Palawan,” pagtatapat ni Christine na bida sa pelikulang Siklo ng Vivamax kapartner si Vince Rillon.

Christine Bermas

“Nagtitinda rin ako ng kung anu-ano sa daan like banana cue, mga kakanin, kahit anong puwede itinda,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, simula bata pa lang ay pinangarap na rin daw niya ang mapanood ang sarili sa pelikula at maging artista. Gumawa rin daw siya ng paraan para unti-unti itong matupad.

Kuwento ng Siklo lead star, “Before, nung sa Palawan pa lang ako, dini-dream ko pa lang siya, eh.  And then, lahat ng puwede kong salihan, lahat ng puwede kong gawing way para makamit ko yung dream ko na yon ginagawa ko.

“Umalis ako ng Palawan para lumuwas ng Maynila. Nag-take ng risk at nakipagsapalarawan. Pero siyempre, takot ako, kasi hindi ko rin naman alam ano talaga mangyayari o kung tama ba yung desisyon ko. Pero awa ng Diyos, napunta naman ako sa mabubuting tao na inalagaan ako.

“Natutunan ko na ring maging independent. Almost five years na akong wala sa family ko pero lagi ko silang sinusuportahan and sila yung nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para gawin lahat kasi para din naman sa kanila yon.”

Paano ba binago ng showbiz ang buhay niya ngayon?

“Sa showbiz kasi naiba rin yung mundo ko kasi siyempre, wala namang pakialam sayo yung ibang mga tao, di ba? Sino ka ba naman? Pero ngayon po, parang ang dami ko ng nare-receive na mga comments – good and bad, lahat.

Christine Bermas

“Hindi naman siya yung parang nagiging downfall ko lalo na yung mga negative, parang mas lalo pa akong namo-motivate sa mga nare-receive ko. Basta ang lagi ko lang pong sinasabi sa sarili ko hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko, para po talaga ito sa family ko.

“Kaya lahat, kung may paghuhugutan man na scene, parang lahat po kasi na-experience ko na, eh, bago pa po ako pumunta dito sa Manila. Parang halos lahat po talaga na-experience ko na,” paliwanag ni Christine.

Previous articleCindy Miranda nagpaka-fan kay John Arcilla sa unang araw ng syuting
Next articleClaudine Barretto on ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez: ‘Very protective, very sweet pa rin siya’