Cindy Miranda nagpaka-fan kay John Arcilla sa unang araw ng syuting

Leo Bukas
MALAKING pressure and at the same time honor para kay Cindy Miranda ang makatrabaho sa pelikulang Reroute ang  Venice Film Festival best actor na si John Arcilla.

“This is really something big for me. Hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng chance na makakatrabaho ang best actor ng Pilipinas,” bulalas ni Cindy sa kanyang solo digital presscon ng suspense-thriller movie.

Cindy Miranda

“This is my most intense movie and of course kasama ko rito si John Arcilla.  Nabigyan ako ng chance na makasama ko sa isang film ang isang John Arcilla.

“Sobrang… I had to level up talaga. I was so worried na of course he’s a very, very good actor, yes best actor of the Philippines. Sabi ko, siguro pag tinanong ako kung anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng nagawa ko, sabihin ko sa kanila na panoorin nila itong Reroute. This is my best movie yet,” tuluy-tuloy pang pahayag ng dating beauty queen.

Kinikilig ding ibinahagi ng dalaga na unang araw pa lang daw ng kanilang syuting para sa pelikula ay nagpa-picture agad siya kay John. Matagal na rin daw niyang pina-follow ang award-winning actor sa social media at palaging hina-heart ang mga post nito.

Ano ba ang mga natutunan niya sa rare opportunity na makatrabaho si John?

Lahad niya, “Si Sir John Arcilla po pareho kami sa set, seryoso, naka-isolate before the scene.

“Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla kasi nasasabihan ako na very serious ako sa set kasi I don’t really talk sa set. Hindi ako nakikipag kuwentuhan kasi in character na po ako at ayaw kong ma-distract.

“I saw myself kay John Arcilla, very seryoso siyang aktor talagang naka-isolate, prepared siya reading his script and he really wants to know what gonna happen.”

Kasama rin sa cast ng Reroute sina Sid Lucero at Nathalie Hart. The movie is directed by Law Fajardo, ang direktor ng 2021 MMFF movie na A Hard Day. Mapapanood ang  Reroute  sa Vivamax  sa Jan. 21.
Previous articleWill Ashley at Prince Carlos magpapaiyak sa ‘Regal Studio Presents: My Favorite Son’
Next articleChristine Bermas ginagawa ang lahat para sa pamilya