Claudine Barretto on ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez: ‘Very protective, very sweet pa rin siya’

Leo Bukas

27 years ago na pala ng huling magsama sa pelikula sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Ito ay sa pelikulang Mangarap Ka ng Star Cinema na idinirek ni Rory Quintos na ipinalabas noong 1995. Kaya naman hindi itinanggi ni Claudine na masaya siyang muling nakatrabaho ang dating karelasyon sa pelikulang Deception ng Viva Films na idinirek naman ni Joel Lamangan.

Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto kiss in ‘Deception’

“Lumalim siya bilang aktor pinag-aralan niya yung role niya. Adventurous siya at nag-e-explore sa pelikulang ito,” diskripsyon ni Claudine kay Mark.

“Magaling si Mark, matagal naman nang alam ng tao yon lalo na ngayon at nagulat ako na sobrang gumaling talaga siya. Nag-mature siya tapos ibinibigay niya lahat ang mga requirements ni Direk Joel.

“Si Mark the same pa rin, very protective, very sweet parang wala namang nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon at saka very professional,” dagdag pa ng tinaguriang Optimum Star.

Para kay Claudine hindi naman naging mahirap na muli siyang gumawa ng pelikula kahit matagal ding nagpahinga. Mukhang hindi pa rin talaga kinakalawang ang husay niya sa pag-arte.

“Paano ba ako naghanda dito? Ah… wala naman akong ginawa kundi aralin yung script. Nag-focus lang talaga ako kung anuman ang gustong ipagawa ni Direk Joel,” kaswal niyang pahayag.

Sina Claudine at Mark Anthony ay nakausap namin sa ginanap na digital mediacon para sa pelikulang Deception na mapapanood sa Vivamax sa January 28, 2022. Present din sa virtual conference si Direk Joel Lamangan.

Perfect reunion project din kung ituring ni Claudine ang Deception para sa kanila ni Mark kaya tiyak na pagsisisihan daw niya kun hindi ito tinanggap.

Ani Claudine, “Yes, 26 or 27 na kami huling nagkatrabaho ni Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama sobrang professional niya.

“No second thoughts. Tinanggap ko talaga agad. Matagal ko na kasing gustong makatrabaho si Mark at alam naman niya yon kaya nang dumating yung offer, nag-go agad ako. ‘Yung Mangarap Ka love story yon, pero hindi malalim, so dito  kami ni Mark nagtutulungan kami. Walang ilangan at nag-uusap kami kung anong gagawin sa scene.”
Sa mga fans nina Mark at Claudine here’s your chance to see them together again in a movie. Deception is streaming on  Vivamax sa Jan. 21.
Previous articleChristine Bermas ginagawa ang lahat para sa pamilya
Next articleVLOG WATCH: ‘The Perfect Day’ for Tony Labrusca