VLOG WATCH: TAIWANderful Taiwan Trip ni Bea Binene!

Vlog Watch

TAIWANderful talaga ang bansang Taiwan! ‘Yan ang pinatunayan ng Kapuso actress na si Bea Binene sa kanyang recent travel video from her Taiwan trip last January 2020.

Sa YouTube world na puno ng celebrities na busy sa paggawa ng paulit-ulit na prank and videos, ang panonood ng mga travel vlogs, kahit ito pa ay isang matinding throwback ay mainam na serotonin boost sa mundo natin na puro kuwarto-banyo-kusina-sala lang ang paulit-ulit na routine at iniikutan.

In fairness, very informative ang travel vlog ni Bea Binene, huh! Naalala tuloy namin na noong ito’y isang child star pa lamang (graduate siya ng Starstruck Kids with Miguel Tanfelix and Paul Salas, FYI) ay naging parte ito ng morning Saturday show na ‘Lovely Day’ na noo’y main hosts sina Love Anover at isa pang Starstruck alumni na si Christian Esteban.

Huling napanood si Bea Binene sa primetime series na ‘Beautiful  Justice’ with Yasmien Kurdi and Gabbi Garcia.

Plano mo ba bumiyahe papuntang Taiwan kapag natapos na ang Covid-19 pandemic ng mundo? Maganda rin na ngayon pa lang ay ihanda mo na ang iyong itinerary and let Bea Binene help you! I-Pin na ‘yan bes!

Previous articleHow to Install Weverse: What You Need to Know and Its Benefits
Next articleJane Oineza, dala-dalawa ang pelikula sa Netflix ngayong Agosto

No posts to display