VLOG WATCH: Maris Racal reacts to her Pinoy Big Brother clips (cringe in cute!)

Vlog Watch

PARANG kailan lang nang ipakilala si Maris Racal bilang Singing Sunshine ng Davao sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014. Kasabay niya sa loob ng Bahay ni Kuya
ang ilan sa mga brightest stars ngayon tulad nina Jane Oineza, Joshua Garcia, McCoy de Leon at Loisa Andalio.

Hindi man pinalad na maging grand winner, panalo pa rin ang kinahinatnan ng showbiz career ng teen reality TV contestant turned multimedia princess.

Alam niyo ba na never pala pinanood ni Maris ang kanyang mga eksena sa PBB? Understandable naman dahil sigurado na hindi lang siya ang medyo na-awkward panoorin ang sarili sa TV. After more than seven years ay nagkaroon na rin ito ng lakas ng loob at binalikan ang kanyang memorable clips including ang first meeting nila ni Papa P (na later on a naging ka-loveteam niya si Inigo), mga maarte moments niya sa loob ng bahay, ang pagkanta nya ng ‘You’ ng The Carpenters’ at ang pag-iyak niya nang i-comfort siya ni Daniel Matsunaga, na ‘yun pala ay vinote out niya!

From a petite and shy Davaoena to fierce lady who pursues her passion, Maris Racal has come a long way! O ‘diba, hindi lang siya sa TV and music career umariba – kahit ang Dream Rockstar dyowa ng mga music lovers na si Rico Blanco ay nabingwit din niya! Maris, how to be you po?!

Previous articleThings You Didn’t Know About Rhen Escaño
Next article‘The Good Daughter’ ni Kylie Padilla muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime