VLOG WATCH: Kylie Padilla’s Heartwarming Conversation with Dad Robin

Vlog Watch

HINDI maikakaila na naging kontrobersyal ang mag-amang sina Robin at Kylie Padilla ngayong taon. Nag-umpisa lahat nang ibunyag ni Binoe sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie sa asawa nitong si Aljur Abrenica.

Mas naging laman ng balita ang estranged couple nang lumitaw na nililigawan na ni Aljur ang sexy actress na si AJ Raval, at lalong gumulo nang magpost ito ng isang mahabang mensahe sa kanyang social media account. On Kylie Padilla’s end, mas pinili na lang nito na huwag nang patulan ang statements ng kanyang ex-husband na nabura rin naman.

With that being said, marami ang na-curious kung ano nga ba ang relasyon ni Kylie sa kanyang ama na si Robin? Sa panayam ni Kylie sa kanyang ama ay marami tayong malalaman na rebelasyon tungkol sa childhood ng magandang aktres at kung ano ang mapapayo nito pagdating sa pagpapalaki kina Alas at Axl. Nood na!

Previous articlePagsusuot ng plaster hindi uso sa shooting ng ‘Pornstar 2’
Next articleKPOP Album Review: Savage by aespa