VLOG WATCH: BTS ng Intimate Endorsement Pictorial ni Sanya Lopez!

Vlog Watch

MISS niyo na ba si Sanya Lopez? Kami, OO!

Kinagiliwan ng manonood ang pagpapakilig nila ni Gabby Concepcion sa top-rating romantic comedy series ng Kapuso Network na ‘First Yaya‘ this year. Habang waiting pa tayo sa Book 2 nito (na magiging First Lady na?), silipin muna natin ang ganaps ni Sanya!

May bagong blessing na naman ang bida-bida siblings! With Sanya Lopez’ sexy figure, hindi na kami nagtataka na siya ang napiling endorser ng isang bagong intimate apparel line along with her Kuya Bida-Bida na si Jak Roberto (na may pa-pandesal naman!). Knowing Sanya, hindi bastusin at classy kinalabasan ang kanyang pictorial kahit na siya ay nagmomodelo ng lingerie, huh!

Siguro, time na rin para mabigyan ng follow-up movie si Sanya, noh? Sana mas tamer sa Wild and Free, para kahit ang mga bagets na fans niya ay makanood din sa pagbubukas ng mga sinehan. Paging Regal! Anunah?! CHAR!

Previous articleThings You Didn’t Know About Mikee Quintos
Next articlePIOLO PASCUAL JOINS TV5’s “NIÑA NIÑO’’