Azi Acosta gustong mapansin ang acting

Leo Bukas

INAMIN ng bida ng Vivamax movie na Pamasahe na si Azi Acosta na naranasan niya noon na abusuhin verbally and physically ng kanyang relatives.

Ito raw ang dahilan kung bakit naka-relate siya sa role niya sa Pamasahe.

Azi Acosta

“Hindi naman po sa ganon na although mayroon naman po kaming similarities ni Linet, tulad na lang noong ano, pang-aabuso sa kaniya ng Tito at Tita niya ayun doon lang po ako naka-relate.

“Pero the rest po hindi po ako nagahasa or ganon po. Yung hugot ko lang po doon, inintindi ko po talaga si Linet. Tapos mabilis po talaga akong maapektuhan ng emosyon ng tao, kaya yon po nangyari,” paliwanag ng dalaga.

Nahirapan din daw siyang i-let go ang character na ginampanan at yon daw ang matinding naging challenge sa kanya.

Ani Azi,  “Yung naging challenge po para sa akin, kasi napakabigat po ng character ni Lineth, ayaw ko lang po ma-trauma kasi in character nga po, so talagang naramdaman ko po talaga yung character ni Lineth.

“Kaya na-ano din po ako after ng shooting, nahirapan po akong irelease si Lineth.”

Azi Acosta

Kahit baguhan ay kinakitaan na rin agad ng husay sa pag-arte si Azi na labis niyang ikinatuwa.

“Masaya po ako na na-notice po yung talent ko hindi lang sa paghuhubad, siyempre po sa pag-acting din. Yon po talaga yung goal ko na yung acting ko yung mapansin, hindi yung katawan ko. Medyo na-achieve ko naman po,” sey pa ni Azi.

Kasama ni Azi sa Pamasahe sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Rash Flores, Chad Solano, Aj Oteyza at marami pang iba.

Previous articleJake Cuenca flattered sa alok ng GMA-7
Next articleHeaven Peralejo, may babala sa mga ‘sugar babies’