Thea Tolentino kontrabida na naman sa ‘Las Hermanas’

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng top-rating afternoon series ng GMA na ‘Las Hermanas‘. Ito ay pinagbibidahan ng homegrown Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi, Faith Da Silva at Thea Tolentino with Jason Abalos, Lucho Ayala and Albert Martinez as their leading men.

Kung sa umpisa ng istorya ay mabait at masunurin ang karakter ni Thea Tolentino bilang si Minnie at ipinakita ang karaniwang sitwasyon ng isang ‘middle child’, the tables have turned now dahil balik na naman sa pagiging kontrabida ang magaling na aktres, huh!

Thea Tolentino with Albert Martinez in ‘Las Hermanas’

Sa umpisa ng serye ay bait-baitan si Minnie na laging sinusunod ang kanyang striktong Ate Dorothy (Yasmien Kurdi) at malawak ang pang-uunawa sa kanyang spoiled brat younger sister na si Scarlet (Faith Da Silva). Eventually ay nainlab si Minnie kay Ronald, na hindi niya alam na isa pa lang holdaper. Dahil ‘you and me against the world’ ang pagmamahalan nina Minnie at Ronald, mabubuntis ito at ikokontra ng kanyang pamilya. Malalaman nito na holdaper pala si Ronald at naging target nito si Lorenzo, na asawa ni Scarlet.

Dahil sa nangyari ay nakunan si Minnie at isisisi nito sa mga kapatid ang sinapit niya. Bilang pagganti ay nagtransform ito as the seductive Minerva, na sineduce si Lorenzo para bawian ang kapatid na si Scarlet.

This week lang ay ipinakita na ang ibang ‘Minnie’ na naka-red lipstick at ka-bed scene na si Lorenzo. May iba pa nga na nagkomento na akala nila’y nalihis na sa kabit at maldita roles si Thea. Guess what? Hindi pa rin!

Ano kaya ang kahihinatnan ng kuwento ng tatlong magkakapatid? Abangan ang huling tatlong Linggo ng Las Hermanas sa afternoon prime ng GMA.

Previous articleEdu Manzano at Cherry Pie Picache 20 years nang may gusto sa isa’t isa
Next articleDingdong Dantes may sweet 7th wedding anniversary message para kay Marian Rivera