Edu Manzano at Cherry Pie Picache 20 years nang may gusto sa isa’t isa

Leo Bukas

MATAGAL na palang may nararamdamang kilig sa isa’t isa sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na ikinagulat mismo ng panganay ni Edu na si Luis Manzano nang mainterbyu niya ang showbiz couple.

Ayon kina Edu at Cherry Pie, dalawang dekada na raw ang ang nakalilipas mula nang una silang mag-date.

Edu Manzano and Cherry Pie Picache

Ani Edu,  “Tahimik lang kami nu’n.” Sinegundahan naman ito ng aktres at sinabing, “We were dating. Siguro mga two decades ago.”

Ikinagulat naman ni Luis ang naging rebelasyon ng dalawa at sinabing, “Sobrang nagulat ako. Kumbaga, may binalikan.”

Pabirong hirit ni Cherry Pie, “Hindi niya ako makalimutan.”

Bagama’t naudlot ang kanilang pag-iibigan noon ay nanatili naman umanong magkaibigan sina Edu at Cherry Pie. Kapag aksidenteng nagkikita rin daw sila sa mga showbiz events ay nararamdaman pa rin nilang gusto nila ang isa’t isa.

“After those 20 years, nanatili kaming magkaibigan. We never quite drifted apart. We always see each other sa iba’t-ibang okasyon. And sa iba’t-ibang mga gatherings. And we would always be talking sincerely. And we knew that we still like each other,” sabi pa ni Edu.

“Every time we see each other, you know there’s always [a tension] and in a good way. Pero I would always dismiss it,” dagdag naman ni Ms. Pie.

Edu Manzano and Cherry Pie Picache

“Actually, the chance na nagka-work kami sa Marry Me Marry You, wala namang expections eh. Tuloy lang ‘yun dun sa pagkikita namin in the past 20 years kung saan-saan,” sabi ulit ni Edu.

Isa sa nagustuhan ng aktres kay Edu ay ang pagiging mabuting ama nito sa kanyang mga anak.

“He is a good man. His world revolves around his children, that’s a given na talaga,” wika pa ng aktres

Previous articleEdgar Allan Guzman niregaluhan ang ina ng bagong bahay
Next articleThea Tolentino kontrabida na naman sa ‘Las Hermanas’