Shayne Sava, bagong Afternoon Prime Drama Princess ng GMA

BIDA NA sa wakas ang Starstruck 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava.

Matagal-tagal din hinintay ng promising young actress ang kanyang big break sa pagbibida sa isang teleserye. Ngayon ay tuwing hapon tayo pinapatawa at pinapaiyak ng dalaga bilang si Abigail, ang mapagmahal na anak ni Letty/Mamay (played by Ai Ai delas Alas) na naging ‘nanay’ sa kanyang kinalakihang ina na naging isip-bata dahil sa isang aksidente sa top-rating show na ‘Raising Mamay’.

Shayne Sava

Bago pa ipinalabas ang ‘Raising Mamay’ sa GMA ay binansagan na siya ng kanyang home network bilang kanilang bagong ‘Afternoon Prime Drama Princess’. Sa dalawang linggo na ipinalabas na episodes ng bagong serye ay talagang kakaawaan mo na ang pinagdaraanan ng mag-ina.

Ang ‘Legal Wives’ ang unang sabak ni Shayne sa paggawa ng drama series. Kinainisan ng mga manonood ang karakter niya doon at madami ang nabitin sa tambalan nila ng fellow Starstruck 7 graduate na si Abdul Raman, na ngayon ay kapares din niya rito sa ‘Raising Mamay’.

Sa pagpasok ng third week ng serye ay magkukrus na ang landas nina Abigail at Paolo. Sa teaser pa lang ay nakaramdam na kami ng kilig at may mga nasasabi nga na promising at may kilig ang tambalang AbDayne, na kasama rin sa limang loveteams na pinapasikat ng Sparkle.

Looking forward kami sa pag-blossom ng tambalan nina Shayne at Abdul and most importantly, Shayne as GMA’s New Afternoon Drama Princess. Magiging sunod-sunod din kaya ang magiging teleserye proijects niya tulad nina Yasmien Kurdi at Kris Bernal na noo’y naging suki na ng GMA Afternoon Prime?

Previous articleTop 5 Xian Lim Movies to Watch
Next articleDahil sa Side Effects: Ellen Adarna, pinatanggal ang breast implants