Robin Padilla “miner” ng asawang si Mariel Rodriguez sa live online selling

Leo Bukas

ISA SA nakapanood ng live online selling ni Mariel Rodriguez sa kanyang social media account ay si Megastar Sharon Cuneta. Nagpadala pa nga ng mensahe si Sharon sa asawa ni Robin Padilla sa Facebook bilang suporta sa former It’s Showtime host.

Ani Sharon, “Tuwang-tuwa ako sayo bebe!!! Hahahaha ang cuuuuuuute mo!!! Ang galing, natututo ako!!!!”

Mariel Padilla

During that time ay ibinebenta ni Mariel ang kanyang pre-loved Louis Vuitton shoes kaya saglit siyang natigilan nang makita ang mensahe ni Sharon.

Reaksyon ni Mariel, “Awww, maraming salamat po, Mega. Thank you so much, Ma’am. Thank you so much, Inay.”

Sagot naman dito ni Sharon, “Wag mo nga ako mina MAM! Inay tama!”

“Inay, maraming-maraming salamat for watching,” tugon dito ni Mariel.

Inaabot ng hanggang madaling-araw si Mariel kapag nagla-live selling siya ng mga used branded wallet, bags, clothes atiba pang gamit niya. Pero meron din naman siyang mga branded items na bago at hindi pa nagagamit at karaniwang nasa closet lang niya.

Bukod kay Megastar at sa iba pang celebrities ay nanonood din sa live online selling ni Mariel ang asawang si Robin. May pagkakataon pa ngang ito mismo ang nagma-mine ng pre-loved item na ibinibenta ni Mariel.

Napanood din ni Sharon ang pagma-mine ni Robin sa Chanel bag na sinubukang ibenta ni Mariel. Ginagawa raw ni Robin ang pagma-mine kapag alam nitong gustung-gusto pa rin ni Mariel ang ibinebentang gamit.

Komento ni Sharon, “Ahahahahahahahahahahahahahahahaha Kambal binili uli para kay misis!!!!!!”

Dating leading man at nakarelasyon noon ni Sharon si Robin pero ngayon ay “kambal” na ang tawag niya sa aktor.

Samantala, matagal nang pangarap ni Mariel ang maging online seller at halatang enjoy na enjoy naman siya habang ginagawa ito na kadalasan ay umaabot pa ng madaling araw.

Previous articleVince Rillon waging best actor sa 19th Asian Film Festival para sa ‘Resbak’
Next articleEnzo Pineda inamin ang dahilan kung bakit loyal sa Kapamilya network