Enzo Pineda inamin ang dahilan kung bakit loyal sa Kapamilya network

Leo Bukas

DIRETSAHANG sinabi sa interview namin kay Enzo Pineda kung bakit ngayon ay nananatili pa rin siyang Kapamilya sa kabila ng hindi pagbibigay ng prangkisa dito ng Kongreso. Ayon sa aktor, malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN kaya sinusuklian niya ito ng loyalty.

Ani Enzo, “Ako naman po, I’m always loyal po sa home network ko. Kasi sa ABS-CBN, napakalaki po ng tulong ng binigay nila sa akin bilang artista.”

Enzo Pineda

Magagandang oportunidad din daw ang ibinigay sa kanya ng TV network nung lumipat siya dito lalo na pagdating sa pagiging aktor.

“Nabigyan ako ng magagandang projects, nabibigyan ako ng enhanced learning pagdating sa acting. Binukas nila yung utak how to be more passionate with my craft. And napakabait po talaga ng ABS-CBN sa akin, sa amin. And sana po things will get better soon for all of us po,” saad pa ng aktor.

Kabilang sa mga projects na nagawa ni Enzo sa ABS-CBN ay ang mga teleseryeng Till I Met You, Nang Ngumiti Ang Langit at Pusong Ligaw.

Kinuha din namin ang reaksyon ni Enzo na nakakatrabaho na niya sa ABS-CBN ang ilang artistang kasama rin niya noon sa pinanggalingang TV network, ang GMA-7. Aniya pa, natutuwa siyang muling makita ang mga dati niyang kasamahan.

“Ako po, it’s always nice to see familiar faces. Kasi sa showbiz naman po bilog naman po ang mundo. And you also get to build bridges. So natutuwa po ako na may mga kaibigan po ako sa GMA Network na lumipat sa ABS-CBN. Para sa akin naman, kung saan po may trabaho, doon po tayo,” deklara pa ng binata.

Ibinahagi rin ni Enzo ang upcoming project niya with fellow Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

“May pelikula po kami ni Janine na lalabas. We shot it last year, kaming dalawa po. Supposedly po, ilalaban siya sa Cannes Film Festival, pero hindi pa po nagpu-push through. So hopefully,” excited pang kuwento ni Enzo.

Previous articleRobin Padilla “miner” ng asawang si Mariel Rodriguez sa live online selling
Next articleAJ Raval magpapahinga muna sa sexy roles