Robin Padilla, dinepensahan ang sarili sa usaping tukso at pambababae

TRENDING ang pangalan ni Robin Padilla ngayong buwan ng Hulyo dahil sa kanyang mga rebelasyon tungkol sa pagkakasira ng relasyon ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica.

Maraming netizens ang umalma sa mga sinabi ni Robin Padilla sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz. Ayon kay Robin, hindi raw maiiwasan ng mga lalaki ang mga temptasyon na nakapaligid sa kanila.

Robin Padilla and Mariel Rodriguez

No wonder na mismong ang kanyang current misis na si Mariel Rodriguez ang mismong nag-confront kay Binoe.

“Ako ay nagsasalita sa aking experience. Experience ‘yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan,” matawa-tawang pagsagot ni Robin sa tanong ni Mariel.

“Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it. Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo ‘yung interview,” saad ni Robin. “’Yung iba dun lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra.”

“Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na ‘yon, di ba? Hindi porke’t sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga ‘yon. Napaka… masyado ka nang forward,” pahabol pa niya.

Pagdating naman sa ‘pagiging loyal’, “Kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal. Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi ‘yun sinasabi. Pagka masyado kang talkies, baka kulang sa walkies. Ang tukso sa atin ay realidad,”

“Huwag tayong masyadong defensive. Huwag tayong masyadong feeling guwapo. Kasi ‘pag masyado tayong feeling guwapo na, ‘Di. Kaya ko ‘yung mga temptasyon. Di. Kaya ko ‘yon,’ delikado ‘yon.”

Eleven years na rin nagsasama sina Mariel at Robin with their two lovely kids. Kung pagbabasehan ang mga vlogs ni Mariel bilang isang maybahay, mukhang masaya naman ito sa kanyang estado.

Pebrero nitong taon nag-umpisa ang usap-usapan na diumano’y hiwalay na sina Kylie Padila at Aljur Abrenica dahil sa mga patama ng una sa kanyang social media accounts. Ngayong nanggaling na mismo kay Binoe ang hiwalayan ng dalawa, unti-unti nang nagmu-move on si Kylie sa pamamagitan ng pagbabalik sa trabaho at si Aljur naman ay tahimik pa rin sa isyung ito.

Previous articleHow to Install and Watch Cignal Play
Next article‘Encounter’ nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga mapapanood na sa Vivamax