‘Raya Sirena’ at ‘Regal Studio Presents’, mapapanood na tuwing Sunday morning sa GMA

SIMULA ngayong May 15 ay mas maaga na mapapanood ang mga Sunday Regal-produced shows sa GMA na ‘Raya Sirena‘ at ‘Regal Studio Presents‘.

Sofia Pablo in ‘Raya Sirena’ | Ken Chan and Sanya Lopez in ‘Regal Studio Presents: That Thin Line Between’

Ang Raya Sirena ay pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala bilang #TeamJolly ng kanilang mga tagahanga. Sa mga hindi nakakaalam, ang mini-fantaserye na ito ay hango sa ikalawang episode ng Regal Studio Presents na ipinalabas noong Setyembre 2021. Dahil sa demand na rin ng mga fans ng young loveteam ay pinagbigyan sila ng Regal Entertainment Inc. at ito na nga’t mas bongga ang napapanood natin na kuwento ng pinakabagong sirena na minamahal ng manonood.

Simula ngayong May 15 ay 10:50 am na ang timeslot ng programa. Mas lalo nagiging exciting ang mga ganap sa kuwento dahil aamin na si Gavin (Allen Ansay) kay Raya (Sofia Pablo. Pero, hindi rin siya dapat makampante dahil ang merman na si Ape (Saviour Ramos) ay ka-uri ni Raya. Nar’yan din ang malditang Tita Helga ni Raya na may masamang balak sa ating bida. Malalagpasan kaya ito nina Raya and friends?

Na-move din sa morning slot ang weekly feel-good show na ‘Regal Studio Presents‘. Bilang buena mano sa bagong timeslot ay muling ipapalabas ang kauna-unahang episode na ‘That Thin Line Between‘ na pinagbibidahan ng Kapuso lead stars na sina Sanya Lopez at Ken Chan, na parehong umaarangkada ngayon sa primetime sa First Lady at Mano Po Legacy: Her Big Boss. Kung na-miss niyo ang episode na ito, o ‘di kaya’y gusto niyo lang ng pampa-good vibes, panoorin ang RSP every 11:35am. Ang Regal Studio Presents ang isa sa paborito namin ngayon sa GMA kaya atin itong suportahan!

Kung hindi kami nagkakamali, ’tila pansamantala lang ang paglipat ng dalawang programa sa morning slot. Gayunpaman, buksan na agad ang mga TV sa umaga para pampa-smile ang bubungad sa atin sa napakagulong mundo ngayon, huh!

Previous articleKPOP Album Review: Shape of Love by Monsta X
Next articleVLOG WATCH: A Day in the Life of Angeline Quinto as a New Mom!