NAGKABALIKAN NA: Alwyn Uytingco may sweet message para kay Jennica Garcia

KAHIT NA nagkaroon sila ng misunderstanding at pansamantalang naghiwalay, tila nagkabalikan na muli ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Bumungad sa social media ang very sweet and touching tribute ni Alwyn sa kanyang misis na nagcelebrate ng kanyang kaarawan noong December 26.

Jennica Garcia | Alwyn Uytingco with family

“Sa bawat minuto, oras, araw, at taon na nakakasama kita, mas gumaganda at mas lumalalim ang pagtingin ko sa ‘yo. Kung ang buhay ay isang painting, maiintindihan natin kung bakit hindi sa lahat ng oras ay madali ang ‘pagpipinta’ nito. Hindi palagi ay gagamit ka ng puti, dilaw, kahel, at maliliwanag na kulay para mabuo ito. Minsan may itim, asul, at indigo na tila nagsisilbing pambalanse upang magrehistro ang lahat ng aspeto sa buhay ng tao,” aniya.

Dagdag pa niya, “Napakakulay ng buhay mo, at ito ang dahilan kung bakit ako patuloy na humahanga at nabibighani sa ’yo,”

Ayon pa sa aktor, nagpapasalamat siya sa kanyang misis na nakakasama niya muli ngayon kahit na siya ay “hindi karapat-dapat” na maging parte ng buhay nito.

“Salamat, Jennica, dahil andito pa rin ako at parte ng pagpipinta mo. Salamat sa buhay, liwanag, at inspirasyon na dala mo para sa ‘kin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sa ‘yo. Salamat, at kasama kami sa obra ng buhay mo. Maligayang kaarawan, Mahal,”. Ang sweet naman!

Nakakatuwa na nagkaroon ng ‘second chance’ ang mag-asawa na proud parents sa kanilang two daughters. Early this year ay pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa. Noong Oktubre ay nagkaayos ang dalawa at nagpasalamat si Alwyn sa kanyang misis. Siguradong masayang-masaya ang kanilang pasko lalo na’t nagiging aktibo muli sa showbiz si Jennica, na ngayon ay napapanood tuwing hapon sa Las Hermanas ng GMA.

Previous articleVLOG WATCH: ‘Lolong’ ni Ruru Madrid, made-delay na naman?!
Next articleAngeli Khang at Sab Aggabao walang kiyeme sa kanilang laplapan sa ‘Eva’