Angeli Khang at Sab Aggabao walang kiyeme sa kanilang laplapan sa ‘Eva’

HABANG tumatagal ang pandemya ay lalong umiinit ang mga pelikulang nilalabas ng Vivamax. Ang latest ay ang pelikulang ‘Eva‘ ni Jeffrey Hidalgo na pinagbibidahan nina Sab Aggabao at ng Lolita-like KoPinoy newbie na si Angeli Khang.

Eva’s Angeli Khang and Sab Aggabao

No pretensions ang pelikulang ito na ang layunin ay painitin ang katawan ng mga manonood. Simple lang ang kuwento nito. Si Eva (Angeli Khang) ay isang innocent-looking kasambahay na namasukan kay Victoria (Sab Aggabao), na isa namang liberated model na inuuwi ang mga lalaki at babaeng gustong niyang makasiping. Habulin ng mga lalaking amo na may pagnanasa sa kanya si Eva kaya naman babae na ang pinili niyang maging bagong employer.

Makikilala rin niya ang drayber ng kanilang kapitbahay (Marco Gomez) at madalas silang magsiping. Kung naghahanap ka ng pelikulang magpapainit sa’yo sa gabi o umaga, siguradong may mararamdaman ka sa panonood ng pelikula.

Angeli Khang

Sa totoo lang, shookt pa rin kami sa mga eksenang ginagawa ng mga baguhang artista ng Viva na hindi lang basta pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan ang kanilang ginagawa, kundi pati ang mga eksena na bordering AV na ang dating. With Angeli Khang’s innocent-looking face and body built ay hindi mo alam kung ang nararamdaman mo bang ‘something’ ay dapat ika-guilty o kung anuman.

Matatapang ang mga new female starlets ng Viva na nagtitiwala lang sa kanilang producers at direktor. Kung ikukumpara ang mga eksenang ginagawa ng mga bold stars noong 70’s early 2000’s, tila tamed pa ang mga ‘yun kumpara sa mga kayang gawin ng mga baguhang artista ngayon. Ang ‘shocking’ noong araw ay tila naging ‘tamed’ na.

Sab Aggabao

Isa pa sa hinangaan namin ay ang baguhang morena sexy star na si Sab Aggabao, na malakas ang screen presence at kitang-kita mo na siya ay confident sa kanyang ginagawa. Malakas ang kanyang loob na nakapag-frontal na ito sa Eva Kung may dapat talagang i-build up ang Viva na kanilang next Pantasya ng Bayan na malakas ang dating at marunong umarte, dapat ay kay Sab Aggabao na ipasa ang korona.

Sa mga ayaw makipagsapalaran sa MMFF marathon sa mga sinehan at kayo naman ay ‘matured’ na, silipan niyo na rin si ‘Eva’ sa Vivamax, huh!

Previous articleNAGKABALIKAN NA: Alwyn Uytingco may sweet message para kay Jennica Garcia
Next articleCharo Santos at Christian Bables big winner ng 2021 MMFF Gabi ng Parangal