Nadine Lustre releases new song ‘Wait for Me’

TUWING Oktubre ay inaabangan na ng mga fans ni Nadine Lustre kung ano ang pasabog ng dalaga para i-celebrate ang kanyang birthday. Kung last year ay inilabas niya ang Wildest Dreams visual album na puno ng energetic songs, this time ay isang mellow bittersweet song ang kanyang handog sa mga taga-suporta niya.

Nadine Lustre

Ang ‘Wait for Me’ ay isang pop/R&B track na tungkol sa pagli-let go sa isang lover after a breakup. Sounds familiar? S’yempre, alam na natin na ito ay inspired ng kanyang almost two years breakup with former partner James Reid. Kahit kasi matagal na silang break ay may ilang JaDine fans na until now ay ‘hopia’ pa rin na magkabalikan ang dalawa.

With this song, siguro naman ay magkakaroon na ng maayos ng ‘closure’ ang hope ng fans for the two. OF course, a real closure for the two na rin na hanggang ngayon ay nananatiling friends and business partners.

Just this August ay madalas nang naiispatan si Nadine kasama ang isang non-showbiz French guy na based sa Siargao Island. Sa ngayon ay mas madalas nang nananatili ang dalaga sa isla kung saan namumuhay ito bilang isang ‘normal’ na mamamayan. Doon na nga rin siya nagpa-rehistro para sa darating na eleksyon.

Maliban sa kanyang bagong awitin, mukhang magtutuloy-tuloy na rin ang pagbabalik ni Nadine Lustre sa paggawa ng pelikula. Last week ay lumabas ang isang screenshot ng isang Zoom meeting ni Nadine with award-winning director Yam Laranas kasama si Diego Loyzaga. Siguradong sabik na sabik na ang mga fans ni Nadine sa comeback ng kanilang minamahal na bituin!

Previous articleAJ Raval, balik-social media para i-flex ang bagong hairstyle
Next articleSenatorial candidate Herbert Bautista hinikayat ang mga tao na bumalik sa sinehan