AJ Raval, balik-social media para i-flex ang bagong hairstyle

PAGKATAPOS burahin lahat ng kanyang Instagram photos at mag-anunsyo sa isang TikTok video na magpapahinga muna siya sa social media para sa kanyang mental health ay muling nagparamdam ang controversial sexy actress na si AJ Raval.

AJ Raval

Ang rason? Para i-flex ang kanyang kakaibang hairstyle para sa isang upcoming movie project with her Taya and Nerisa leading man na si Sean De Guzman. Sa kanyang bagong proyekto ay reunited din ito with her Taya director na si Direk Roman Perez Jr., na isa rin sa pinaka-reliable director ng Vivamax ngayon.

Noong October 20 ay nagpasya si AJ Raval na pansamantalang lisanin ang social media accounts dahil sa pambabatikos na natanggap sa pag-amin niya na siya ay nililigawan ni Aljur Abrenica. Lalo itong naapektuhan nang i-share niya ang controversial post ni Aljur na hindi naging maganda ang dating sa madla.

“Ayoko na, gusto ko na lang po ng peace,” aniya sa nakaraang post. “Sana matapos na ‘to kasi bugbog na talaga ‘yung mental health ko. Hindi ko na kaya. Mag-so-social media detox muna ako siguro. Next year na ako babalik sa social media.”

Pero ngayong October 31 ay bumulaga si AJ sa aming Instagram feed with an edgier hairstyle.

“New look for the new project!!”post ng dalaga. Magtutuloy-tuloy na kaya ang kanyang pagbabalik sa social media? Kumusta na kaya sila ni Aljur Abrenica? Bago naman inamin ng dalawa ang kanilang koneksyon ay very fond na si AJ sa kanyang kapares at inaakalang new boyfriend na si Sean de Guzman. Baka naman sila talaga ang mas nararapat sa isa’t isa? Let’s wait and see..

Previous articleVLOG WATCH: Kokoy de Santos reacts to his Old TV Commercials (siya pala ‘yun?!)
Next articleNadine Lustre releases new song ‘Wait for Me’