McCoy de Leon, naging rebound nga lang ba ni Elisse Joson noon sa PBB?

SIMULA nang ilantad nila na sila ay proud parents to a happy baby girl ay mas naging open na sina McCoy de Leon at Elisse Joson o McLisse  sa detalye ng kanilang relasyon.

Sa latest vlog update ni Elisse ay ginawa nila ng partner ang ‘Sagot o Lagot’ challenge, kung saan si McCoy na mismo ang nagtanong kung naging rebound lang ba siya noon ni Elisse sa PBB.

Elisse Joson and McCoy de Leon | Inset: Elisse with daughter

Sa mga hindi nakapanood ng PBB noong season na nagkadebelopan ang McLisse, kakabreak lang noon nina Elisse Joson at Jerome Ponce at pumasok pa nga ang huli sa loob ng Bahay ni Kuya for a sincere confrontation.

“Ang sagot, hindi. At that time, sa loob ng PBB house, natural yung nangyaring flow sa atin kung paano tayo nagkakilala sa loob ng bahay, kung paano nag-evolve yung relationship natin bilang parang acquaintance tapos naging confidant, naging more than friends, naging MU,” sagot ni Elisse.

“Hindi ko naramdaman na rebound. Hindi ko masasabing I was still hurting from a person…pero doesn’t mean na hindi ako naka-move on pa doon sa person na yun. Para sa akin, hindi ko masasabing rebound yun kasi yung naging chemistry natin, nag flow naman naturally,” dagdag pa niya.

Hindi naman lihim sa publiko na nagkahiwalay na noon sina McCoy at Elisse at nagkabalikan lang noong nakaraang taon at nagbunga ang kanilang ‘second chance’ at love.

Kung bakit nila pinili na balikan ang isa’t isa, “Hindi naman planado yung nangyari na nagkabalikan kami. We both tried na mag-open kami sa ibang tao. Wala namang problema sa experiences namin with other people. Pero kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.”

Ayon kay McCoy, mas marami din siyang nadiskubre sa kanyang partner nang sila ay magreunite.

“Isa na siguro sa pinakamalaking natutunan ko sa buhay ko yung magmahal ng sobra tapos nasaktan ako ng sobra. Kaya siguro siya yung kasama ko ngayon hanggang pagtanda kasi sa kanya ako naging malakas, sa kanya ako natuto, sa kanya ako naging masaya. Gusto ko sana kung saan ako yung natututo. Itong pagkakataon na ito, nasa tao na pala,”

Noong October 31, 2021 ay ginulantang ng McLisse ang buong mundo nang kanilang ibunyag na sila ay proud parents na to a baby girl Wala pa sa plano ng dalawa ang pagpapakasal. Hindi raw sila nagmamadali at ang kanilang unica hija ang kanilang top priority.

Previous articleTop 5 Exciting Films You Can Watch on Vivamax
Next article‘Car Scene’ nina AJ Raval at Sean de Guzman sa ‘Hugas’ pinagpiyestahan ng netizens