Louise delos Reyes bida na ulit sa ‘The Wife’ ng Vivamax

NOONG nasa bakuran pa ng Kapuso Network si Louise delos Reyes, palagi ito nabibigyan ng lead roles sa teleserye. Sa katunayan, siya ang unang ka-loveteam ni Alden Richards bago pa ito sumikat ng todo.

Louise delos Reyes

Dahil nabahiran ng kontrobersiya ang karera ng dalaga nang masangkot ito sa isang kontrobersiya ay nagdesisyon itong kumalas sa GMA Artist Center at lumipat sa Viva Artists Agency. Kalaunan ay lumipat ito sa ABS-CBN at gumanap ng supporting roles sa teleseryeng tulad ng Asintado at sa ‘The Encounter’ ng TV5 at Viva. Nagbibida naman ito sa mga Viva-produced series na napapanood sa Sari-Sari Channel, pero hindi masyadong aware ang fans niya rito. Marami ang nanghinayang dahil feeling ng ilan ay na-demote ito to support roles.

Now, Louise delos Reyes is back in doing lead roles via the sexy drama movie ‘The Wife’, where she plays the title role. Kapares niya rito ang hunk actor na si Diego Loyzaga at ‘karibal’ naman niya ang Vivamax sexy actress na si Cara Gonzales. Hindi pa namin napapanood ng buo ang pelikula, pero base sa teaser ay tila nakipagsabayan si Louise pagdating sa paggawa ng mga love scenes. Hindi lang tayo sure kung tinodo na ba niya tulad ng ginagawa ng kanyang co-stars na madalas nang magpakita ng katawan sa mga Vivamax projects nila.

Louise delos Reyes

Nakakamiss din naman si Louise delos Reyes. Isa siya sa mga artista ngayon na maaasahan natin pagdating sa drama scenes. Wish lang namin ay magtuloy-tuloy na ang pagbibida niya muli sa mga proyekto dahil deserve niya ‘yun. Sa katunayan, puwede rin sila magkaroon ng reunion project ni Alden Richards na drama-romance, ‘diba? Ano sa tingin niyo?

Previous articleKPOP Album Review: There and Back Again by Eric Nam
Next articleGlaiza de Castro at David Rainey kasal na noon pang Oktubre 2021