Kris Aquino nangakong lalabanan ang health crisis para kina Joshua at Bimby

NAGBIGAY ng update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan, na tinatayang magiging ‘long battle’ na kanyang lalabanan habang siya rin ay naghi-heal din ng kanyang broken heart matapos nilang kumpirmahin ang paghihiwalay nila ng ex-fiance na si former DILG secretary Mel Sarmiento.

Noong January 12 ay nagshare si Kris ng ilang larawan kung saan mapapansin ang kanyang drastic weight loss, na ikinabahala ng kanyang mga tagahanga. Sinambit din nito ang plano niyang magpagamot sa ibang bansa para sa dalawang anak na lalaki na pinakamahalaga ngayon sa buhay niya.

Kris Aquino

“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood I already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because I have kuya Josh & Bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”

Noong January 4 ay inamin nito ang hiwalayan nila ni Mel Sarmiento at inamin din na ang kanyang ‘detoriorating health’ ang isa sa mga rason kung bakit sila nagdesisyong maghiwalay na ng landas.

Noong 2018 ay inamin ni Kris na siya ay may health condition na Chronic Spontaneous Urticaria, isang seryosong uri ng skin disease na mahirap i-diagnose at i-manage. Noong 2019 din ay nagkaroon siya ng isang ‘form of lupus’ na naging sanhi ng complications sa mga gamot na kanyang iniinom.

Kahit na marami itong iniindang sakit ay nagpatuloy pa rin si Kris sa pagtulong lalo na noong kasagsagan ng bagyong Odette na nakapinsala sa maraming lugar sa bansa.

“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayain sa ngayon para makatulong sa kapwa,” post nito.

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko.”

We’re praying for your fast recovery, Miss Kris!

Previous articleRICH IN LOVE: Gerald Anderson niregaluhan si Julia Barretto ng Rolex watch
Next articleShaina Magdayao nagpositibo sa Covid-19; shares her isolation journey