Shaina Magdayao nagpositibo sa Covid-19; shares her isolation journey

KASALUKUYANG naka-isolate ngayon ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao matapos magpositibo sa Covid-19.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Miyerkules ay ikwinento nito ang kanyang pinagdaanan.

Ayon kay Shaina, nauna siyang nakaramdam ng symptoms isang araw pagkatapos magpaturok ng vaccine booster shot.

Shaina Magdayao

“Tested positive last January 9 on antigen. Symptoms started to show a day after my booster shot (January 7) so we thought my fever was just due to my shot. But I just kept on feeling worse, day by day. Result of my RT PCR(taken last Jan. 9 came out last night. As expected, positive.,”

Ang ilan sa mga sintomas na kanyang naranasan ay fever, sore throat, ubo na may plema at rashes.

“Third day of isolation today.. Most of the people I know are positive/recovering,” aniya.

Kahit na nahihirapan sa kanyang kalusugan, nananatiling thankful naman si Shaina na safe ang kanyang pamilya.

“Thank God my family is safe and healthy. #Grateful for friends and family who have been checking on me every single positive day. Praying for everyone’s safety… May Your HEALING cover our minds and bodies. Fill our hearts and minds with your #peace. Heal and strengthen us, O Lord. Amen,” pagtatapos ni Shaina, na kasalukuyang napapanood pa rin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Previous articleKris Aquino nangakong lalabanan ang health crisis para kina Joshua at Bimby
Next articleIG-OFFICIAL NA: Nadine Lustre, ipinakilala na si Christophe Bariou