Dimples Romana kinainggitan ng K-Drama fans dahil kay Song Joong Ki

Leo Bukas

MARAMING K-Drama fans ang nainggit kay Dimples Romana at napa “sana all” dahil sa IG post nito ng larawan kasama ang Vincenzo lead actor na si Song Joong Ki sa 50th International Emmy Awards sa New York.

Dimples Romana and Song Joong Ki

Kinikilig pa si Dimples habang ikinuwento ang naturang experience sa ilang press sa grand presscon ng pelikulang My Father, Myself na kasali sa Metro Manila Film Festivan ngayong December 25.

Ani  Dimples, “Nakakakilig, di ko kinaya. Ang kinis-kinis, ang bait-bait, ang bango-bango, ano pa ba?

“Alam naman natin na ang original ko ay si Papa B (asawa niyang si Boyet), pero after Papa B si Song Joong Ki na.”

Mas lalo din daw siyang naging fan ng Korean heartthrob dahil sa kabaitan nito.

“Ayoko na, lahat napanood ko sa kanya at sobrang na-in love ako. Alam mo, more importantly mas naging fan ako kasi nakita ko kung gaano siya ka-warm bilang tao. Alam mo yon?

“Minsan kasi, pag pinapanood mo, artista din ako, inaakala mo yung mga characters nila yon na yun pero hindi. There’s so much of him,” litanya pa ni Dimples.

Ilan sa mga sikat na K-drama na pinagbidahan ni Song Joong Ki ay ang Descendants of The Sun (2016) at Vincenzo (2021).

Makakasama naman ni Dimples sa My Father, Myself sina Jake Cuenca, Tiffany Grey at Sean de Guzman. Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

Previous articleNadine Lustre excited na sa MMFF para sa ‘Deleter’
Next articleHajji Alejandro at Rachel may concert