‘Deception’ ni Claudine Barretto, kaya bang pataubin ang sexy films ng Vivamax?

STREAMING na pala sa hottest video streaming website ng bansa na Vivamax ang highly anticipated comeback movie ni Optimum Star Claudine Barretto na ‘Deception‘. Matagal-tagal na rin sabik ang mga loyal fans ng aktres na huling nasilayan sa big screen via ‘Etiquette of Mistresses’ noong 2015.

Maliban sa pagiging comeback film niya for a long time ay tila balikan din ito ng tambalan nila ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, na huli naman niyang nakatrabaho sa teen romance film na ‘Mangarap Ka’ noong 1993.

Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto in Deception

Matatandaan na ilang proyekto na rin ang inanunsyo noon na dapat ay gagawin ni Claudine sa Viva Films. Sa wakas ay natuloy din ito at ang batikang direktor na si Joel Lamangan pa ang humawak.

Nakakamiss din ang panonood ng melodramatic Pinoy films. Ito ang uso noong 70’s at 80’s sa kasagsagan ng kasikatan nina Vilma Santos, Nora Aunor at Sharon Cuneta. Noong 90’s ay sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos ang mga drama queens at siguradong may nostalgic feels ang mga sumabaybay sa karera ng isa sa original box-office queens ng bansa.

Kung kayo ay matagal nang subscriber ng Vivamax, siguradong aware ka na karamihan sa mga trending movies sa platform na ito ay ang mga sexy films. Habang isinusulat namin ito ay tinatangkilik ng mga manonood ang mga pinagbibidahang pelikula nina AJ Raval, Angeli Khang at Cindy Miranda. Idagdag din d’yan ang mga bagong daring starts na bini-build upn ngayon ng Viva.

Sa pagdagdag ng pelikula ni Claudine Barretto sa Vivamax, kaya siguro nitong pataubin ang mga trending sexy films ng streaming site with her loyal fanbase, noh? Sa totoo lang, nakakabahala na din ang mga todo-bigay na eksena ng mga baguhang artista sa mga digital films ng Vivamax, na in-demand sa kanilang platform.

Abangan na lang natin kung kaya ng powers ng isang Claudine Barretto ang pagbabago.

Previous articleVLOG WATCH: Building New Habits for 2022 with Michelle Madrigal
Next articleThings You Didn’t Know About Kat Galang