DAHIL SA PANDEMYA: Kapuso leading man Juancho Trivino nagtrabaho sa BPO

ISA SA paboritong homegrown leading men ng Kapuso Network ang new dad na si Juancho Trivino. Bago magpandemya ay may afternoon series pa ito sa GMA with Arra San Agustin and Thea Tolentino at kung hindi kami nagkakamali, may mga nakalinyang proyekto pa dapat para actor/host/model.

Juancho Trivino

Katulad ng ibang artistang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Enhanced Community Quarantine o ECQ, umabot din si Juancho sa punto na naghanap na ito ng non-showbiz related jobs at nagsumite ng kanyang resume sa iba’t ibang kumpanya. Luckily, nakapasok ito sa BPO Industry.

Lahad ng Kapuso star sa pamamagitan ng kanyang Instagram, “A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic last year, when we had no work (tapings, digital stuff, and businesses) I got a job in a BPO company,”

“I actually did send out my resume to a couple of companies that [were] hiring during that time. It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did. They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag-tagal (but that’s another story).” saad pa niya.

Juancho Trivino and Joyce Pring

Sa mga hindi nakakaalam, nakatapos si Juancho ng kursong Entrepreneurship mula sa De La Salle University noong 2020. May mga posts pa nga ito sa social media kung saan ikinukwento niya kung paano niya pinagsasabay ang kanyang mga work and school commitments, na umaabot pa sa punto na sumasakay siya ng Angkas.

Bilib kami kay Juancho dahil nakaisip siya kaagad ng paraan para kumita kahit na wala masyadong raket sa showbiz. Buntis din kasi ang kanyang misis na si Joyce Pring (at ngayo’y proud parents na sila to a Baby Boy Alonso) kaya naman hindi rin puwede na papetiks-petiks lang ito sa buhay. May food business din ang mag-asawa at may investments na rin, na kanilang dinidiscuss madalas sa kanilang vlog channel.

Previous articleVLOG WATCH: Who Knows Julia Barretto better? (Dyowa vs Nanay!)
Next articleThings You Didn’t Know About Hidilyn Diaz