BALIK-SHOWBIZ NA: Janella Salvador, determinadong patunayan na hindi siya ‘sayang’

NAGBABALIK-SHOWBIZ na ang Kapamilya actress and new mommy na si Janella Salvador.

Sa bagong video blog ng kanyang close friend at ninang ni Baby Jude na si Erich Gonzales ay nagpaunlak ng isang mukbang interview ang aktres na miss na miss na ng kanyang mga tagahanga.

Janella Salvador

Maliban sa balitaan ng tungkol sa changes ngayon na siya’y isa nang ganap na ina at maybahay, napag-usapan din nina Janella at Erich ang mga comments ng fans and bashers tungkol sa kanyang life choices. Hindi naman lihim sa lahat na si Janella ang isa sa ginu-groom ng Kapamilya network na maging next important star nila. May mga nagsasabi na ‘sayang’ daw ito dahil nabuntis ng maaga.

“Well, for sure, it’s obvious naman na when people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming different opinions and judgments,”

“Ngayon, I’m sure mas open na din ‘yung mga tao kasi ang dami ko din namang mga messages na congratulating me and ang dami ding mga positive messages.” saad ng aktres.

Sa usaping ‘sayang’ ito, sinabi naman niya na wala naman talagang nagbago at kaya pa rin niyang gawin ang mga ginagawa niya noong siya’y dalaga pa tulad ng pagkanta at pag-arte.

“Of course, hindi mawawala ‘yung notion na parang, ‘ay sayang,’ parang ganun. Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’ But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, ‘di ba?” paliwanag niya.

“Like, I’m still Janella. I just gave birth, but I still can do what I can do. ‘Yung mga nagagawa ko dati, nagagawa ko pa rin naman. I can still act, I can still sing. All I have to do is lose more weight.”

“Basically, I just want to prove not just to others but also to myself na kayang-kaya. Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams,”

Nanganak si Janella Salvador kay Baby Jude noong October 2020 sa United Kingdom. All throughout ay naging dependable partner si Markus Paterson at ngayo’y nagsasama na sila rito sa Pilipinas.

Mapapanood si Janella Salvador sa iWant TFC series na ‘Click. Like. Share’ soon. Abangan niyo ‘yan!

Previous articleKPOP ALBUM REVIEW: Empathy by D.O. of EXO (Kyungsoo)
Next articleMayor Isko Moreno iginiit na hindi niya ikinahihiya ang muling paglabas ng mga sexy photos