Andrea Brillantes at Francine Diaz, may tampuhan dahil kay Seth Fedelin?

NAALARMA ang mga fans and supporters ng original Gold Squad members na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil napansin nila na in-unfollow na nila ang isa’t isa. Ayon sa mga nakalap naming impormasyon, may kinalaman diumano ito kay Seth Fedelin.

Magka-loveteam ngayon sina Seth at Andrea, na napapanood sa ongoing digital series ng IQiyi na ‘Saying Goodbye’. Nagkaroon na rin ba ng ‘goodbye’ sa pagitan ng onscreen partners?

Andrea Brillantes and Francine Diaz

May lumabas kasi na larawan na kuha sa family gathering ng pamilya ni Francine Diaz at naroon si Seth Fedelin. What seems to be a harmless photo became the talk of the town dahil hindi diumano nagustuhan ito ni Andrea.

Walang delete-an ng post, Francine! Charooot,”  post pa ng isang netizen na nag-upload nito sa isang unverified Facebook page ng aktres. Kahit na kumakalat ang nasabing larawan ay never nagbigay ng pahayag si Francine.

Nag-umpisang bigyan ng malisya ang nasabing larawan nang magpost si Andrea ng isang heartbreaking song sa kanyang Instagram. Ito ay ang ‘Pano’ ni Zach Tabudlo, na mismong sina Seth at Andrea ang bida sa music video!

Sa mga hindi updated, inamin ni Andrea noong isang taon sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na sila raw ni Seth ay “committed” sa isa’t isa.

Lalo pang nagwala ang mga Gold Squad fans nang sa Tiktok naman nagpost ng kanyang saloobin si Andrea by lipsyncing Selena Gomez’ ‘Lose You To Love Me’ with these lyrics:

“I gave my all and they all know it
You turned me down and now it’s showing
In two months, you replaced us
Like it was easy”

Diumano, blinock daw ni Andrea si Francine sa kanyang Instagram kaya hindi na nila fino-follow ang isa’t isa.

THE GOLD SQUAD: Kyle Echaverri, Francine Diaz, Andrea Brillantes and Seth Fedellin

Aware naman si Andrea na marami ang curious sa ganap nilang mga Gen Z dahil nagpost ito sa IG stories na panoorin na lang daw ang mga vlogs niya kaysa mag-abang ng latest tsika. Nagpromote na rin ito ng finale episode ng ‘Saying Goodbye’. Hmmm…

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Seth at Francine sa isyu.

Kunsabagay, bago naman nagkaroon ng ‘SethDrea’ at ‘KyCine’ sa Kadenang Ginto ay naunang nalink si Andrea Brillantes ay Kyle Ecchari. Patunay dito ang ilan sa mga earlier vlogs ng dalawa kung saan sila ay nagbabakasyon o tumatambay. Siguro naman ay walang masama kung magkaroon ng ‘something’ in real life sina Seth at Francine. Ano sa tingin niyo, mga Marites?!

Previous articleThings You Didn’t Know About Kep1er, K-pop’s newest girl group!
Next articleVLOG WATCH: Angeline Quinto, five months preggy na, naglilihi pa rin?!