Ama ni Carla Abellana na si Rey PJ dinepensahan ang one night issue ni Tom at sinabing hindi bakla ang manugang

Leo Bukas
SA INTERBYU ni Tita Cristy Fermin sa ama ni Carla Abellana na si Rey PJ Abellana sa kanyang radio show na Cristy FerMinute sa Radyo Singko at One PH  ay nagbigay ito ng ilang pahayag tungkol sa isyu ng diumano’y hiwalayan diumano ng aktres at ni Tom Rodriguez na katatapos lang ikasal noong October 23, 2021. Seven years na naging magkasintahan sina Tom at Carla before they finally decided to get married.
Aware ba si Rey na hiwalay na si Carla kay Tom after four months mula nang sila ay ikasal? Ito ang unang inusisa ni Tita Cristy ay Rey.
Rey PJ Abellana | Carla Abellana and Tom Rodriguez
“Nay, siyempre, ako mismo bilang partikular na isa akong magulang, siyempre malaking gulat sa akin yun. Agad? Medyo minessage ko ang anak ko na si Carla, na pilit kong alamin kaagad kung bakit.
“Sabi ko, ‘Ito nakarating na sa akin, may lumalabas na issues, at tungkol sa ganito, ganun sa inyong dalawang mag-asawa, eh, gusto kong alamin, ano ba ito, isyu lang ba ito ng showbiz or wala,’ sabi ko.
 “So honestly, ito sasabihin ko, sumpa man sa Diyos, totoo ito, nung una kong minessage yung anak ko ay hindi po kaagad nag-reply sa akin. So, alam niyo, don pa lang sa sitwasyon na yon na hindi kaagad nakapag-reply yung anak ko sa akin, si Carla, eh, pumasok na kaagad sa isipan, na, ‘Uy, may laman yung isyu na ito tungkol sa kanila.’ So, pumasok na sa feeling ko sa isip ko na maaaring totoo itong issue na ito,”paliwanag ni PJ kay Tita Cristy.
Patuloy ng aktor,  “Ganunpaman, eh, hindi pa rin ako nagsalita or whatever else, kasi honestly, talagang wala pa rin akong alam. So ngayon, after a few days, nag-reply na po si Carla sa akin. At ang sabi niya sa akin, ganito lang po ang pagkasabi ng anak ko sa akin,  ‘Tom and I now are not okay. So, anyway, Papa, we would like people to respect, give us the respect na i-settle muna namin itong personal na bagay, with ourselves. Pakiusap, Papa, na as much as possible, huwag na lang muna tayong magsalita sa press dahil baka mag-iba-iba pa ang isyu, magsanga-sanga,’ pakiusap ni Carla sa ama.
“So, anyway, nakiusap po yung anak ko na, ‘Hold on muna, stay put, at let us be the ones to settle it personally.’ Considering na personal problem din naman nilang mag-asawa iyan, so that’s what I did. So, maraming press po ang kumokontak sa akin, mga kaibigan nating reporters, inaalam at tinatanong sa akin, just like kayo po, tinatanong niyo sa akin kung ano ba talaga ang sitwasyon.
“So, Nay, honestly, to this point, up to this point, hindi pa rin po malinaw sa akin ang mga bagay-bagay sa pangyayari sa kanila dahil po hindi ko pa rin po nakakausap si Carla,” sabi pa ni PJ.
 “Alam niyo po, nasa tamang edad na ang anak ko, nag-asawa na nga. At ayoko naman pong ipagpilitan yung sarili ko pa sa sitwasyon nila, na nakikiusap din naman siya na hayaan ko na lang sila na sila muna ang mag-settle ng problema,” giit pa niya.
Para rin kay PJ napaka-unusual na pagkatapos ikasal ng ilang buwan nina Tom at Carla ay kaagad din silang maghihiwalay.
Aniya, “Napaka-unusual ng sitwasyon na yan kung kailan kayo nag-settle down, don pa kayo maghihiwalay, halimbawa. Pero, Nay, hindi ko pa sinasabi na hiwalay na yung anak ko, sa kanilang mag-asawa, hindi ko pa po sinasabi na hiwalay yung dalawa. Ang point ko dito po, ang sinasabi ko lang po na kung anuman ang problema ng mag-asawa ay sini-settle lang nila muna na sila lang para naman po maayos ito. Dahil hindi naman po sila lulugar sa pagpapakasal para maghiwalay.”
Naikuwento rin ni PJ na nagkausap na sila nang personal ng manugang  pero si Carla ay hindi pa raw niya nakakausap hanggang ngayon.
Sa naging pag-uusap nina PJ at Tom ay inamin daw ng huli na totoong
nagkaroon ito ng ka-one-night stand pero hindi raw ibig sabihin nito ay may third party involved na.
Tom Rodriguez and Carla Abellana
Reaksyon ulit ng aktor,  *Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, eh. So, hindi natin kinu-consider yon na third party.
Paliwanag pa ng ama ni Carla, bilang isang lalaki ay hindi raw talaga maiwasan ang matukso.
“Inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari din po yan sa akin. Eh, medyo normal na yan sa buhay ng mga lalaki. Opo, opo, kaya naintindihan ko po yan.
“Eh, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay yan, eh, di po ba?”
Inusisa din ni Tita Cristy ang tungkol sa sekswalidad ni Tom nang  tanungin niya si PJ kung bakla daw ba ang manugang.
Sagot agad nito, “I don’t think so, hindi ko po nakikita yan. Ako, bilang lalaki, kasi hindi ko masyadong abot, eh. Totoong lalaki ako kung magpapakasal ako sa isang babae, yon po ang realistic dun,” depensa ni PJ.
Previous articleBigating mga bituin naghatid ng saya sa 70K supporters ni Leni sa Bacolod City
Next articleTop 6 Julia Barretto Films to Watch