VLOG WATCH: Kyline Alcantara’s Biggest Role To Date (Korea Tourism Ambassador na siya!)

Vlog Watch

ISANG magandang blessing ang natanggap ng Kapuso promising actress na si Kyline Alcantara. Siya lang naman ang napiling ambassador ng Korean Tourism Organization!

Ayon sa latest vlog ng dalaga, ito ang kanyang ‘biggest role to date’. Kitang-kita ang excitement ni Kyline sa behind-the-scenes ng kanyang pictorial para sa KTO, kung saan nagsuot siya ng traditional hanbok at iba-ibang Korean-inspired OOTDs na bagay sa spring at autumn. Ganda Korea!

Swak na swak ang pagkakapili kay Kyline dahil natural na mahilig ito sa KPop at KDramas. Proof na d’yan ang ilang mga performances niya para sa All-Out Sundays (AOS) sa GMA kung saan madalas itong kumanta at sumayaw ng KPop songs.

Kahit na maraming oppa sa Korea, mukhang sa Pilipinas naman ata based ang kanyang ‘ultimate oppa’. Sino sa tingin niyo?

Previous articleTop 5 KDramas to Watch This May 2022
Next articleAlyssa Valdez hindi na babalik sa PBB; Samantha Bernardo, napiling kapalit