VLOG WATCH: Alex Gonzaga shares her pregnancy journey

Vlog Watch

BAGO PA nila ibinahagi sa publiko ang pagbubuntis at ang pagkawala ng sana’y first child nina Alex Gonzaga at asawang si Mikee Morada, may mga reporters na naglabas ng malungkot na sinapit ng mag-asawa. Nasa grieving process pa ang dalawa kaya it took time for them to open up to the public.

And open up they did. Inilabas na ni Alex Gonzaga ang pregnancy journey niya – from finding out na positive siya sa pregnancy test to her early visits to the doctor hanggang sa malaman na nila ang nakakalungkot na balita.

Habang isinusulat namin ito ay #1 sa trending videos sa YouTube ang vlog ni Alex Gonzaga at maraming viewers ang naka-relate o nakisimpatya sa pinagdaanan niya. Sa pag-open up nina Alex at Mikee ay nakapag-raise ng awareness tungkol sa realidad ng pagbubuntis.

We wish complete healing for the Morada Family.

Previous articleJOMARI YLLANA EMBRACES PUBLIC SERVICE
Next articleThings You Didn’t Know About Max Collins