Sharon Cuneta, nagulat sa relasyong KC Concepcion at APL.DE.AP

RK Villacorta

SORPRESA para kay Sharon Cuneta ang tsismis tungkol sa anak na panganay na si KC Concepion at ang international artist rapper-singer a si Apl.de.Ap.

Lingid sa kaalaman ng Megastar na may balita na may namumuong romansa between KC and Apl.

Apl.de.Ap, KC Concepcion and Sharon Cuneta

Sa recent presscon ni Sharon para sa kanyang pagpirma ng kanyang bagong kontrata with ABS-CBN at sa pagbabalik niya as one of the judges ng isang singing competition na pambata, hindi pa pala malinaw sa kanya ang tsismis.

After the open forum, pinaligiran ang singer-actress ng media para mainterview siya tungkol sa ilang mga isyus na hindi naitanong sa kanya.

About KC and Apl “romance”, reaksyon ng ina ng dalaga:  “What do you mean? Again, again, again. No, no, no. Can you ask me the question straight?” sabat niya agad sa tanong sa kanya na tila walang kaalam-alam si Sharon.

Si apl.de.ap ay isa sa miyembro ng sikat na hip-hop group na The Black Eyed Peas.

Nagsimula ang tsismis about Apl At KC noong December last year. Nakita kasi ang dalawa na magkasama bukod pa sa previous sightings sa kanila last October 2019 at pansin kung gaano kalapit ang dalawa.

KC Concepcion and Sharon Cuneta

Hindi pala alam ni Mega may “something” na namumuo sa dalawa. Hindi siya aware tungkol dito.”No. But I have a lot of respect for apl.de.ap,” nagulat na reply ni Mega sa media na kaharap niya.

“I don’t know what’s happening to my daughter—in her life. That’s a surprise to me, so I don’t know what to say. But I have a lot of respect for apl. He’s a good person.b I just wish I heard it from her—if it’s true.”

Hindi lingid sa kaalaman sa publiko na may “gap” ngayon sina Mega at KC na open ay sinabi ni Sharon sa media na noong bisperas ng bagong taon ay hindi nila nakasama ang panganay na anak at maging sa birthday celebration ng aktres sa ASAP Natin ‘To! noong January 5, si KC lang ang absent at hindi sinipot ang selebrasyon for some personal reason (ayon kay Sharon).

Pero noong bisperas ng Pasko (December 25) ay dumating si KC sa haybols nila para makipag-celebrate ng Christmas.

Malalim ang tampo ni Sharon sa anak pero naiintindihan naman daw niya ito dahil alam niya na very independent si KC na hindi agad-agad nago-open-up sa kanya ang anak kung ano man ang pingdadaanan nito.

KC Concepcion and Sharon Cunetaion

Dagdag pa niya: “Ayoko na lang yung makikita ko na lang sa diyaryo kung ano yung nangyari sa anak ko, di ba? God forbid, may masamang nangyari, may aksidente, or something. Things like that ba. Tsaka anak ko siya. I want to know. They’re my kids.”

Sabi pa niya: “I’m worried lang what she might be going through. It’s not like her, e.” sabi ni Sharon.

Paniwala ni Sharon: “Siguro, kasi she’s older. As we grow older, maybe you feel less need to consult with your parents. But, in our family kasi, kahit pinagdaanan ko rin yun, hindi pa rin nawawala yun.

“You always have to pay respects to your parents. Give them the respect na letting them know where you are, how you are, who you’re with,” paliwanag ni Sharon sa media tungkol sa kanilang anak na si KC.

Previous articleSIKAT NA TALAGA! New single ng SB19 na ‘Alab’ naka-1.5M views agad in less than a week
Next articleHOT HUNK DADDY: Piolo Pascual, nanunukso sa mga sexy shirtless photos online!

No posts to display