SA PAGTANGGI SA SEXY ROLES: Kim Domingo, thankful sa suporta at respeto ng fans

Showbiz Blogster

UNANG nakilala ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo bilang viral internet sensation. Wala itong kiyeme sa pagpapasexy sa kanyang mga Dubsmash at pagpopose ng sexy. Ito ang rason kung bakit nagkaroon ng interest ang men’ss magazine na FHM sa kanya at kalauna’y naging talent na rin ng GMA-7.

Kim Domingo

Marami nga ang nagsasabi na siya ang bagong Pantasya ng Bayan nang tuluyan niyang pasukin ang showbiz. May nagsasabi na siya ang susunod sa yapak ni Ellen Adarna, na sumikat naman una sa pagkalat ng kanyang shocking photos sa Friendster.

Before you know it, si Kim Domingo ang naging third party sa sexy-comedy series nina Heart Evangelista at Dennis Trillo na ‘Juan Happy Love Story’. Later on, naging bida na ito sa afternoon series na ‘D Originals’. Ang naging next project niya ay pagganap bilang nawawalang kapatid ni Marian Rivera sa ‘Super Ma’am’. Marami ang nakapansin na pagkatapos ng kanyang acting stint sa ‘Super Ma’am’ ay naging ma-limit na ang pagpapasexy ni Kim. In fact, siya dapat ang kontrabida sa ‘Bihag’ na pinagbidahan ni Max Collins. Bigla ito nag-back out at may mga projects pa nga raw na in-offer sa kanya na tinanggihan niya dahil araw na raw niya ng super daring roles.

Sa kanyang latest Instagram post ay nagpasalamat si Kim sa mga fans niya na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanya kahit pa hindi na ito masyadong nagpapasexy:

View this post on Instagram

Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko nung 2019. Yung mga biyaya na mas madami pa sa inaasahan ko. Gusto ko din mag thank you sa mga taong hanggang ngayon sumusuporta sakin, nagmamahal. Kahit medyo nagbalot-balot nako andyan pa din. ? Kayo ang patunay na hindi pisikal ang inyong minahal sa akin kundi kung ano talaga ako. Salamat din sa respeto. Respeto sa naging desisyon ko. Respeto sa pagbabago na nais ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo. Mas masarap pa kesa sa feeling ko noon nung mga panahon na pinagpipyestahan ako ng mga tao dahil sa pisikal na naipapakita ko sa madla. Pero gusto ko din mag thank you sa mga taong yun dahil kung hindi din dahil sakanila walang Kim Domingo ? Kulang ang salitang thank you sa inyong lahat. Ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin hanggang ngayon ay maituturing kong malaking biyaya. Isa kayo sa aking inspirasyon para pagbutihin ko pa ang aking mga ginagawa. Sana samahan nyo pa din ako sa panibagong taon nanaman ng aking buhay. Mahal ko kayong lahat ❤️ Ang dami din nagrerequest na mag vlog na ako. And I’m happy to announce na soon mapapanood nyo na ang aking first vlog !☺️ SUBSCRIBE na sa aking Youtube Channel. Link in my bio ?

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_) on Jan 5, 2020 at 9:58pm PST

“Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko nung 2019. Yung mga biyaya na mas madami pa sa inaasahan ko. Gusto ko din mag thank you sa mga taong hanggang ngayon sumusuporta sakin, nagmamahal. Kahit medyo nagbalot-balot nako andyan pa din.

Kayo ang patunay na hindi pisikal ang inyong minahal sa akin kundi kung ano talaga ako. Salamat din sa respeto. Respeto sa naging desisyon ko. Respeto sa pagbabago na nais ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo. Mas masarap pa kesa sa feeling ko noon nung mga panahon na pinagpipyestahan ako ng mga tao dahil sa pisikal na naipapakita ko sa madla. Pero gusto ko din mag thank you sa mga taong yun dahil kung hindi din dahil sakanila walang Kim Domingo ?

Kulang ang salitang thank you sa inyong lahat. Ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin hanggang ngayon ay maituturing kong malaking biyaya. Isa kayo sa aking inspirasyon para pagbutihin ko pa ang aking mga ginagawa. Sana samahan nyo pa din ako sa panibagong taon nanaman ng aking buhay. Mahal ko kayong lahat ❤Ang dami din nagrerequest na mag vlog na ako. And I’m happy to announce na soon mapapanood nyo na ang aking first vlog!”

View this post on Instagram

Enjoy every moment ?

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_) on Sep 8, 2019 at 2:20am PDT

Hanggang ngayon ay regular na napapanood pa rin si Kim sa Sunday Gag Show na ‘Bubble Gang’. Sa teleserye naman ay huli siyang napanood sa ‘Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko’.

Ano na nga ba ang nangyari sa supposed launching movie niya sa isang major movie outfit? Nakaapekto ba ang desisyon niya na mag-lielow sa pagpapasexy? We can’t wait to see her shine as a lead movie actress!

Previous articleMaxine Medina, kasamang bibida ni Gloria Diaz sa ‘The Beauty Queens’ ng iWant
Next articleDAHIL ABSENT SA BIRTHDAY PROD SA ASAP: KC Concepcion, nagsorry kay Mega

No posts to display