DAHIL ABSENT SA BIRTHDAY PROD SA ASAP: KC Concepcion, nagsorry kay Mega

RK Villacorta

NAINTRIGA ang panganay na anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion sa hindi nito pagdalo sa selebrasyon ng kaarawan ng ina sa Sunday show ng Kapamilya Network na ASAP Natin ‘To last Sunday, January 5.

Bongga sana kung present si KC na balita nga namin, ilang beses na maytampuhan ang mag-ina.

KC Concepcion and Sharon Cuneta

Sa magandang paandar for Sharon’s birthday presentation, andun halos lahat as performers ang mga singers-stars na bahagi ng buhay ni Mega.

Buong pamilya ni Sharon ay present. From her husband Former Senator Kiko Pangilinan to Frankie at  nagpaandar din kasama ang bunso na si Miguel, hinanap ng karamihan si KC.

Pero maagap naman ang dalaga at gumawa ng sariling diskarte sa kanyang social media account at nag-sorry kaagad ito sa ina.

May personal reason ang dalaga kung bakit hidi siya naka-attend sa birthday presentation ng ina sa Sunday show.

Malambing naman si KC sa ina a binati nito si Mega ng “Happy Birthday”.

KC Concepcion

Mensahe niya sa kanyang Instragram account: “I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do, and I always will.

“I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young,” mensahe ng panganay sa ina.

Dagdag pa ni KC: “If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama.

“May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always,” pahayag nito.
 
 
Previous articleSA PAGTANGGI SA SEXY ROLES: Kim Domingo, thankful sa suporta at respeto ng fans
Next articleGOODBYE NA: Ang totoong dahilan ng pagtatapos ng ‘Starla’ ni Juday

No posts to display