‘Quizon CT’ nina Eric, Epi at Vandolph sa Net 25 tribute kay Comedy King Dolphy

Leo Bukas

Ang  ‘Quizon CT’ o  ‘Quizon Comedy Theater’, ang pinakabagong gag show ng NET25 na punong puno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines. Nag-pilot airing na ito noong January 9, 2022 at mapapanood tuwing Linggo, 8  p.m., at mainit namang  kinagiliwan agad ng televiewers.

Literal na pinagsama ang ‘laugh’ at ‘trip’ sa bagong comedy show na swak sa panlasa ng Pamilyang Pilipino.

Epy, Eric and Vandolph Quizon

Ang Quizon CT ay pinagbibidahan ng mga anak ni  Comedy King Dolphy na sina Eric, Epi at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon.

Ayon sa Quizon brothers sa ginanap na virtual conference ng Net 25 meron daw silang segment sa Quizon CT na niri-reenact ang mga dating eksena ni Mang Dolphy. Isang paraan din daw ito para bigyan ng tribute ang Comedy King. Yon nga lang,  aminado silang hindi nila kayang pantayan ang ginawa ng kanilang ama.

Ani Eric, “We have a portion talaga na Dolphy Classics. Dun namin ilagay yung ibang sketches ng Daddy na nag-hit sa mga tao. Kaya meron kami talaga na Dolphy Classics.

“And basically, of course, to reminisce and emulate din, and at the same time, pagbibigay-tribute sa mga ginawa ni Daddy. May nagsa-suggest na ipakita yung old clips tapos gagawin namin. Sabi ko, ayokong ipakita yung old clips kasi matatabunan lang kami.

“Pero sana, ma-appreciate ng mga tao ang gagawin namin.”

Cast members of Quizon CT

Dagdag naman ni Epi, “Of course, nakakatakot dun pag kinumpara kami, kasi siyempre pag pinagsama-sama kaming tatlo, wala kaming comparison sa galing nun. Hindi naman kami as funny… pero we will try our best to be.”

Kabilang din sa cast ng Quizon CT ang iba pang komedyanteng sina Bearwin Meily, Gene Padilla, at Garry Lim; at sina Martin Escudero at Miss Universe Philippines 2020 4th runner-up Billie Hakenson.

Pagtutulungan naman nina Eric at Epi ang pagdidirek ng Quizon CT.

Previous articleVLOG WATCH: First Lock-In Taping Experience ni Angelika dela Cruz for Little Princess
Next articleThings You Didn’t Know About Kep1er, K-pop’s newest girl group!