Pokwang gaganap na overprotective yaya sa ‘Regal Studio Presents: Yaya Terror’

FOR THE first time ay bibida sa isang Regal Studio Presents episode ang ‘Mamang ng Bayan’ na si Pokwang. Ang versatile actress ang bibida sa ‘Yaya Terror’ na ipapalabas ngayong Sunday at 4:35pm sa GMA pagkatapos ng pilot episode ng ‘THE BEST KA!’.

Pokwang in Yaya Terror

Si Pokwang si Yaya Mila, isang overprotective yaya sa kanyang teenage alaga na si Jerome (played by award-winning actor Miggs Cuaderno). Sa sobrang pagiging strikto nito sa kanyang alaga ay masasakal ang binata. Idagdag pa na kahit ang pakikipagkaibigan nito sa kanyang ka-tropa (played by Kyle Ocampo and Shecko Apostol) ay pinapakielaman niya. Dahil dito ay magkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang magyaya.

Pero paano kung isang araw ay sabihin ng mga magulang ni Jerome na ito ay kukunin na nila sa Australia? Ano na ang mangyayari kay Yaya Mila, na tumanda na nasanay na alagaan si Jerome?

Siguradong maiiyak tayo ngayong hapon sa ‘Yaya Terror’ ng Regal Studio Presents. Ihanda niyo na ang mga tisyu niyo!

Previous article‘THE BEST KA!’ ni Mikael Daez papalit sa ‘Dear Uge’
Next articleMegastar Sharon Cuneta To Star in “The Mango Bride” Fil-Am Movie Adaptation