Phytos Ramirez at Cherry Lou ipinakilala na ang kanilang baby sa publiko

KUMPIRMADONG isa nang ganap na ama ang child star turned character actor ng Kapuso Network na si Phytos Ramirez!

Ito mismo ang kinumpirma ng aktor sa kanyang Instagram account. Ang sultry singer/actress na si Cherry Lou ang ina ng kanyang first baby.

Phytos Ramirez and Cherry Lou with Baby Caly

Late last year pa nang kumpirmahin ni Cherry Lou, 38, na ang aktor na si Phytos Ramirez, 26, ang bagong nagpapakilig sa kanya pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating artista na si Michael Agassi. May tatlo silang anak.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Phytos ang larawan ng kamay ng kanyang baby girl.

“When you were born at 33 weeks, I was terrified. But after I held you for the first time our bodies synced, you erased all my fears and the chaos around us disappeared.”

“Welcome to the world…. You are our most precious little bundle of joy. And when I look into your eyes, I see myself looking into my own soul. You and ur mom’s story isn’t an easy one, but it’s yours and it’s made you who you are today …so to us, u are perfect.”

“Lord of Unfailing Love, thank You for giving us a beautiful gift…I pray that all good and pure things are instilled in her heart, so as she grows and continues to stay close to You.”

Filipino-Greek ang ancestry ni Phytos, na Neofytos Tuddao Kyriacou ang pangalan sa tunay na buhay. Sa dulo ng kanyang IG post ay ibinunyag na rin niya ang buong pangalan ng precious baby girl.

“I love you my beautiful baby Calysta Luna Koulla Maglasang Kyriakou.”

Sa Instagram account naman ni Cherry Lou ay masisilayan ang mukha ng ni Baby Caly, na ngayon ay one-month old na.

 “All of God’s grace in one tiny face.” simpleng caption ni Mommy Cherry Lou.

Sa ngayon ay napapanood si Phytos Ramirez sa GMA Afternoon Prime show na Stories From The Heart: Never Say Goodbye. Siguradong mas magiging ganado itong magtrabaho lalo na’t may pamilya na siyang dapat alagaan.

Congratulations, Phytos and Cherry Lou!

Previous articleHINDI NAKATANGGAP NG SORRY: Albie Casiño hindi na pagtatakpan si Andi Eigenmann
Next articleAnak ni Kris Aquino na si Bimby, botong-boto kay Mel Sarmiento para maging stepdad