Parazzi Chikka: Kim Chiu at Kris Bernal, Mga Prinsesang Walang Sustansya!

Kung pinagsasabog ngayon sina Gerald Anderson at Aljur Abrenica ng mga fans sa mga blogs at online forums, hindi rin naman makakaligtas ang kanilang mga leading ladies na sina Kim Chiu at Kris Bernal (pareho pang letter ‘K’ ang starting letter, huh?!?!)

Parehong nag-umpisa sa isang reality teen show ang dalawa. Si Kim Chiu ang itinanghal na pinakaunang teen winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition. Sa palabas din nakita ang chemistry nila ni Gerald bilang magpares. Pagkaraan ng isang taon ay si Kris naman ang nilaunch bilang isa sa mga Starstruck Batch IV finalists. Siya man ang nanalong other half ng Ultimate Loveteam award with Mart Escudero, ang tambalan nila ni Aljur Abrenica ang mas kinagat ng madlang pipol at mas sumikat pa ito kesa sa supposedly winner na si Jewel Mische.

Alam natin lahat na ang tambalang KIMERALD ang nagpataob sa napakaraming programa ng Kapuso network. Hindi na rin kami magtataka kung umabot pa ng 2010 ang soap opera na ito dahil maganda ang mga sangkap nito. Kinabog naman ng tambalang ALKRIS ang panghapong drama ng Kapamilya network ng maipalabas ang Sinenovela presents Dapat  Ka Bang Mahalin? na umabot pa sa 32%! Wow ha, mataas na yun for an afternoon series!

Dahil dito, sinusugalan ngayon ng GMA-7 ang bagong tambalan na ito sa pamamagitan ng All My Life, ang bagong telebabad show. Hindi rin tuloy mapigilan ng mga tagahanga na pagkumparahin sina Kim Chiu at Kris Bernal bilang mga leading ladies. Napansin niyo ba na medyo unique ang dalawang ito? Madalas kasi, ang mga leading ladies ay malaman at full of energy. Pansin lang namin na tila parehong haggardo verzosa na sa kakakayod ang dalawa. Si Kim Chiu ay kaliwa’t kanan ang pictorials, product endorsements, taping para sa Tayong Dalawa at ASAP at may bago rin itong pelikulang kinukunan. Si Kris Bernal naman ay unti-unti na rin napapansin ng mga kumpanya at dumadami na rin ang mga raket nito. Sa susunod na linggo nga ay tutulak ito sa Bohol kasama ang kaloveteam para i-shoot ang kanilang launching movie. Nakakapagod, noh?!

Advise lang namin sa dalawa ay sana wag nilang seryosohin masyado ang pagkukumpara sa kanila. Huwag din sila masyadong kumapit sa mga kaloveteam nila dahil mahihirapan na silang bumitaw at kumain kayo ng marami. More energy, mas happy! Meh ganun?!?!

Photos By Luz Candaba, Mark Atienza and Parazzi Wires

Parazzi Chikka

Previous articleDennis Trillo, mahilig magpalusot?!
Next articleManny Pacquiao, naasar na kay Pokwang?!

No posts to display