PINASALAMATAN at nagbigay-pugay si Ogie Alcasid sa OPM icon at member ng APO Hiking Society na si Danny Javier na pumanaw nitong October 31, 2022. Si Danny ang lead vocalist ng legendary group na APO na kinabibilangan din nina Jim Paredes at Boboy Garrovillo.
“Napakarami kong alaala na ikaw ay hindi naging maramot sa pagbigay ng oras sa aming nga singer noong kami ay nagsisimula pa,” ani Ogie sa simulang bahagi ng kanyang Facebook post.
“Ang pagkakaalam ko pa nga ay ang OPM ay ikaw mismo ang naka isip. Ilang beses din kami nagpunta sa inyong tahanan upang makipagsalo sa iyong pamilya. Ang aming noo’y mga maliliit na gigs ay iyong pinupuntahan para lang kami ay suportahan.
“Meron pa tayong nagawang kanta nag pinagjamman. At sa inyong show sa Sa Linggo na Po sila at sang linggo na po sila, napakaraming pagkakataon na tayo ay “nakaprod”. At syempre noong naisapelikula ang inyong mga awitin at kami nina Gary, zsa, Uge, ang napiling gumanap na magulang sa musical na ito,” pag-alala pa niya sa mga pinagsamahan nila noon ni Danny.
Ayon pa sa mister ni Regine Velasquez, habang buhay na nakatatak sa kanyang legacy.
Aniya, “Magpahabang buhay na naitatak sa aming puso ang inyong legacy. Sobrang dami Danny. Wala kaming ibang masabi kundi — Salamat sir.
“Salamat sa lahat. Mahal ka namin. Magpahinga ka na. Nakikiramay po kami sa lahat ng nagmamahal sa kanya.”
Pumanaw ang lead vocalist ng APO sa edad na 75 because of complications due to his prolonged illnesses.
“In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way,” lahad ng anak ni Danny na si Justine Javier Long.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng APO ay ang Awit ng Barkada, When I Met You, Lumang Tugtugin, Kaibigan, Yakap Sa Dilim, Batang-Bata Ka Pa, Bawat Bata, Tuyo Na’ng Damdamin, Ewan, Panalangin, at marami pang iba.