Michelle Madrigal at Troy Woolfolk hiwalay na

HIWALAY NA ang dating aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang asawang fitness trainer na si Troy Woolfolk pagkatapos ng halos tatlong taong pagsasama.

Maraming followers ang nakakapansin na hindi na nila nakikita na magkasama ang dalawa sa kani-kanilang social media pages. Kung noon ay laging present si Troy sa mga videos ni Michelle sa kanyang YouTube channel, ngayon ay palaging mag-isa na lang ito, o ‘di kaya’y kasama ang kanyang anak.

Michelle Madrigal and Troy Woolfolk

Post ni Michelle sa kanyang Instagram, “Here it is…Y’all have been asking us for awhile now…We didn’t have to but we’ve shared our lives with y’all in the past so here we are today…”

“@twoolf29 and I have been separated and are going through divorce. Of course, we have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika. We only wanted to share this to be transparent due to the amount of DM’s and comments we get from y’all.

We hope that y’all can give us the space and respect with our decision. We thank y’all for all the love and support you have given The Woolfolk family. We will always have love for each other and cherish the good times rather than the bad ones.”

Dahil sa mala-couple and fitness goals photo na pinost ni Michelle, napacomment na lang si Troy ng “But damn we sho did look good together,”.

Sa kanyang sarili Instagram page ay nagpost na rin ng isang video si Troy kung saan kinumpirma niya ang paghihiwalay nila ng dating Kapuso star.

“We have no drama we are still cool.”

“I will always love @mitch_madrigal cause she is the mother of my child that we will co-parent together. I still love everyone in her family and will continue to treat them like my own,” sambit pa nito.

Sa selfie video na inupload ni Troy ay sinabi nito na “ultimately we decided we’re probably better friends than husband and wife.”

“She still loves me, I still love her, because we have our baby daughter who we’ll be co-parenting. We still have that friendship, just not companionship in the sense of marriage,”

Nagkakilala sina Troy at Michelle sa pamamagitan ng dating app na Tinder noong 2016 sa Texas, USA. Sinalubong nila ang kanilang unica hija na si Anika noong October 2017 at ikinasal noong April 2019.

Nakakapanghinayang dahil marami ang natutuwa noon sa mag-asawa na sabay na ina-achieve noon ang kanilang fitness and life goals. Siguro nga ay mas mainam na rin para sa dalawa na maghiwalay as good friends at maging effective co-parents sa kanilang anak na si Anika.

Previous articleBAGONG UMAGA, BAGONG PAG-IBIG: Heaven Peralejo at Kiko Estrada, umamin na sa kanilang relasyon
Next articleAndrea Torres at Mikael Daez hindi pala magkasundo nang magbida sa ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ remake